Share

Chapter 82: Kakaiba

Author: rainheart
last update Last Updated: 2025-04-25 23:48:08

Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito.

“Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.

“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.

“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.

“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.

“Pero maaga pa nga.”

“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.

“Sige, bababa na! Huwag mo na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 89: Nagpapasundo

    Napatawa si Lily nang marinig ang tugon ni Sabrina sa tanong ni Ramon. Napasimangot naman ang huli dahil sa sagot ng dalaga. “Hindi pa rin pala nagbabago itong si Amor, ang hilig niya pa rin magdala ng kahit na sino para may kasama siya. Marami namang gawain sana para pagkaabalahan niya sana hindi siya mainip sa buong araw,” wika ni Lily. Napataas naman ng kilay si Adrian pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Lily pero wala siyang binitiwan ni isa mang salita para kontrahin ang sinabi ng bisita. Tahimik namang nakaramdam ng inis si Sabrina sa pagiging sarkastiko ni Lily kaya pasimple niya itong tinugon. “Sa iyo, siguro maganda ang takbo ng career mo.”Hindi umimik si Lily para sagutin si Sabrina. Nakaramdam siya ng pagkainsulto sa uri ng tanong ng dalaga. Sa halip, si Anne ang sumagot ng may kasamang paghanga. “Tita Lily is the general manager of Reyes Group of Companies na nakabase sa ibang bansa. Isa siya sa pinakamakapangyarihan sa kompanya. Lalo namang na-excite si Sabrina na

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 88: Like father, like son.

    Kung gusto mong isama kita sa U.S., please lang mag-behave ka Sabrina. Baka mamaya kung anu-ano na naman ang sasabihin mo sa gitna ng lunch,” pagpaalala ni Adrian kay SAbrina.Matipid na ngumiti si Sabrina sa binata at nagwika, “Salamat sa paalala. Hindi na ako makialam sa kung anong meron ang pamilya niyo.” Agad siyang tumayo para balikan si Amor. “Babalik na ako kay Tita Amor baka hinahanap na ako.”May sasabihin pa sana si Adrian pero mabilis nang nakaalis si Sabrina kaya hinayaan na lamang niya. Saka na niya sasabihin kung may pagkakataon sila ulit mag-usap.Pagdating sa kusina, nadatnan ni Sabrina si Amor na ginagabayan ang mga katulong para ihanda na ang mesa para sa kanilang pananghalian. Napansin ni Sabrina na halos mamahaling pagkaing-dagat ang inihanda.“Tita, ‘di po ba allergic kayo sa seafoods? Bakit halos yata ng iniluto ay seafoods,” puna ni Sabrina kay Amor.“Paborito nina Ramon at Adrian ang seafoods kaya ‘yan ang mga pinaluto ko,” tugon naman ng ginang.Dumating ang p

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 87: Mistress

    Tinawagan ni Sabrina si Adrian para humingi ng saklolo dahil pakiramdam niya ay nangingimay ang buo niyang katawan sa tensyong namumuo sa pagitan ng kanyang mga kaharap. Hindi niya alam kung tatayo at umalis o manatiling nakaupo pero parang naninigas ang kanyang katawan na kahit paglingon ay parang hirap siyang gawin. Kinakabahan na hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.“Bakit?” tanong ng binata pagkatapos tinanggap ang kanyang tawag. Hindi na tumugon si Sabrina dahil bago pa man siya nakasagot ay narinig niya ang maharot na tawa ng katabi ni Adrian na wala ng iba kundi si Anne basi sa boses at uri ng tawa nito.Pinatay na lamang ni Sabrina ang telepono na hindi nasabi ang dahilan ng kanyang pagtawag. Mukha namang epektibo ito dahil wala pang kalahating oras ay dumating si Adrian pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Anne.Diretsong umupo si Adrian sa single sofa katabi ni RAmon at si Anne naman ay agad itong lumapit kay Lily. “Tita, ang tagal nating hindi nagkita, how are you?

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 86: Bisita

    Parang hinog sa kamatis sa sobrang pamumula ang mukha ni Sabrina dahil sa sobrang hiya. Naabutan sila ni Amor na nasa intimate na sitwasyon. Nakatalikod siya sa pintuan habang hinahalikan ni Adrian sa dibdib habang ang mga kamay nito ang naglulumikot sa kanyang likuran pababa sa kanyang pang-upo. Napayuko na lamang si Sabrina dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin ni Amor.“Bakit ang aga niyong napasyal dito? May meeting ako kaya hindi ko kayo mahaharap sa ngayon, Mom,” wika ni Adrian sa ina. Hindi na rin niya inantay pa ang tugon nito bago mabilis na umalis.Naiwan naman si Sabrina na hindi alam kung paano harapin ang ina ni Adrian. Ang inaasahan niyang yayain siya ni Adrian bago ito umalis ay hindi nangyari. Umalis ito na kahit magpaalam ay hindi nagawa.“Tita Amor, good morning.” sa wakas ay naiboses din ni Sabrina ang pagbati sa ginang. Ang hindi niya alam na nakaramdam din ng hiya si Amor dahil sa nakita kina Adrian at Sabrina. Ang huling alam niya ay ikakasal na ang

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 85: Not Angry

    Walang nagawa si Sabrina kundi sumunod kay Adrian. Ni hindi na niya nagawa pang magpaalam ng maayos kay Mara. kumaway na lamang siya sa estudyante na tila nabigla rin sa mabilis nilang pag-alis.Sa sasakyan walang imik si Adrian kaya tiningnan ito ng maigi ni Sabrina. Wala naman siyang nakitang bakas ng galit sa mukha nito kaya naisip niyang baka pagod lang ito.“Sobrang gwapo ko ba para titigan mo ako ng ganyan?” nangingiting wika ni Adrian habang nagmamaneho. Nakikita nito sa sulok ng kanyang mata kung paano siya titigan ng dalaga.Hindi sumagot ang dalaga kaya muling nagsalita si Adrian. “Ganito lang talaga ako kapag pagod. Tinatamad ako pati magsalita.”“Seryoso?”“Mukha ba akong nagbibiro?”Hindi na nagsalita pa si Sabrina hanggang makarating sila sa tirahan ni Adrian. Pagpasok sa unit ng binata ay agad itong dumiretso ng banyo para maligo. Naghihintay naman si Sabrina sa labas para maligo rin.“Ikaw na!” tinawag ni Adrian si Sabrina para sabihang siya na ang maligo.“Salamat.”

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 84: Good Relationship

    Hindi malaman ni Sabrina kung ano ang maramdaman nang sabihin ni Adrian na lagi siya nitong nakikita noon. Sinungaling siya kung hindi niya aamining kinilig siya sa mga oras na iyon. Knowing that Adrian was so annoyed with her presence, but he did notice her before.“So, binabantayan mo ako?” nangingiting tanong ni Sabrina.“Mmnn, not really? Baka ikaw ang nagbabantay sa ‘kin kasi nga crush mo ako noon, ‘di ba?” tugon ng binata. Napabaling si Sabrina dito at tiningnan ang ekspresyon ng binata kung seryoso ito sa sinabi. Nang makitang hindi ito seryoso saka siya muling nagsalita.“Hindi no. tambayan ko lang talaga ‘yang puno kasi tahimik doon at walang gaanong mga estudyante na pumupunta,” pagsalaysay ni Sabrina ng rason kung bakit naging tambayan niya ang puno ng Banaba noon.“I see. Of course, nakikita mo rin ako roon palagi.”Mabilis na tiningnan ni Sabrina si Adrian at inirapan. Narinig niya kasing tumawa ito nang bahagya pagkatapos magsalita. “Nang-aasar ka ba?” nakanguso na niya

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 83: Banaba

    “Wow!”Namangha si Sabrina nang makita ang puno na noo’y naging karamay niya sa halos lahat ng pagkakataon. Isa itong puno ng Banaba na tawag ng iba ay cherry blossoms ng bansa oras na ito ay mamulaklak. May health benefits din ito kaya inalagaan ito ng paaralan. Hindi akalain ni Sabrina na magpahanggang sa oras na iyon ay nandoon pa rin ang puno. “Isa itong puno sa napagdesisyunan ng pamunuan ng paaralan na huwag putulin. Nagkataon lang na Sabado ngayon kaya walang maraming tao o estudyante rito. Kapag raw weekdays, maraming estudyante ang tumatambay rito para magpakuha ng picture. “Kaya ba binakuran ang puno nito para walang makalapit masyado?” tanong ni Sabrina. May hanggang hitang taas na bakod na kasi ang nakapalibot sa puno pero hindi iyong nakasira sa ganda nito. Pinasadya rin yata na lagyan ito ng isang bench para sa mga gustong magpakuha ng larawan. Dahil sa naisip ay kinuha ni Sabrina ang camera at kinuhanan ng larawan ang puno sa iba’t-ibang anggulo.“Gusto mong kuhanan d

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 82: Kakaiba

    Kinabukasan, maagang ginising ni Adriian si Sabrina. Nilalaro nito ang tungki ng ilong ng dalaga gamit ang ilang hibla ng buhok nito habang ang isang kamay ay sa ilalim ng ulo ng dalaga na nagsilbing unan nito. “Mmmnn.” pinalis ni Sabrina ang nagdulot ng kati sa tungki ng kanyang ilong at tumagilid para bumalik ng tulog. Inaantok pa rin siya dahil sa malalim na ang gabi sila nakatulog dahil dalawang beses muna siyang inangkin ni Adrian.“Gising na!” muling ginising ni Adrian si Sabrina. This time niyugyog na niya sa balikat ang dalaga.“Maaga pa,” reklamo nitong nakapikit pa ang mga mata.“May pupuntahan tayo,” muling saad ni Adrian na pilit ibinabangon ang dalaga gamit ang braso niyang nasa ilalim ng ulo nito.“Pero maaga pa nga.”“Alam ko pero dahil babiyahe pa tayo mamaya kaya kailangan nating agahan ang pagpunta roon,” tugon ni Adrian. Siniguro nitong hindi na siya mulimg babalik sa pagtulog kaya inalisan siya nito ng kumot at hinila pababa ng kama.“Sige, bababa na! Huwag mo na

  • My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend   Chapter 81: I'll be gentle.

    Pagkatapos makatanggap ng rejection kay Adrian, pinilit ni Sabrina ang sarili na kalimutan ang nararamdaman para sa binata. Iniisip na baka kapag matured na siya ay makakalimutan niya ito at maaring mabaling sa iba ang kanyang atensyon. Nang bumalik nga siya galing ng ibang bansa pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay muling nagkasalubong ang landas nila ni Seth. isa ito sa kanyang mga kababata at dating magkakaibigan ang kanilang mga magulang kaya madali lang silang nagkapalagayang loob. Wala rin naman siyang masabi noon laban kay Seth hanggang sa dumating nga sa gitna ng relasyon nila si Pia.“Bakit hindi ka na makagalaw diyan? Dumidilim na, oh.” Napapiksi si Sabrina nang marinig ang boses ni Adrian. Saglit siyang nawala sa kasalukuyan dahil sa mga alaala ng nakaraan.“Huh?!” “Are you okay, Sabrina?” tanong ni Adrian na may pag-alala.Hindi naman inaasahan ni Sabrina ang naging reaksyon ng binata. Naikurap niya ang mga mata ng ilang beses para siguraduhing hindi siya nananaginip

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status