Ilaria POVKinabukasan, paggising ko, akala ko humina na ang ulan. Pero mali ako. Mas malakas pa at kitang-kita na rin dahil maliwanag na. Grabe, parang wala na rin makita sa sobrang lakas ng ulan at hangin.Parang mas galit pa ang langit ngayon. Ang hangin ay humuhuni sa labas, hinahampas ang mga puno sa paligid ng villa. Ang ulan, diretso pa ring bumubuhos, walang patid, parang gusto nitong lunurin ang buong Yay Town.Umupo ako sa gilid ng sofa, yakap ang kumot, at nakinig. Ang tunog ng ulan sa bubong ay parang walang katapusan. Kahit umaga na, madilim pa rin ang paligid dahil makapal ang ulap.“Two days pa raw ‘to,” sabi ni Keilys mula sa likod ko. May hawak siyang cellphone, may kausap sa kabilang linya. “Oo, mas malakas pa ngayon.”Napabuntong-hininga ako. “Kawawa ang mga taong kababayan ko, lalo na ang mga maliliit ang bahay,” mahinang bulong ko.Parang narinig niya ako kahit mahina ang pagkakasabi ko. Pagkatapos niyang ibaba ang tawag na iyon, tumingin siya sa akin, seryoso ang
Huling Na-update : 2026-01-19 Magbasa pa