Keilys POVNagulat ako kasi umuwi ngayong araw sa Pilipinas sina Mama Keilani at Papa Sylas. Kasama na rin ang kapatid kong si Sylaila. Tamang-tama, gusto ko na rin talagang ipa-meet sa kanila si Ilaria, kaya ang saya-saya ko.Pag-uwi ko sa manisyon, nandoon sila, nag-aalmusal lahat sa dining table.“Ma, pa, Sylaila,” bati ko agad sa kanila nung makita ko sila.Napatayo naman agad si Mama para salubungin ako ng yakap. Sumunod ang kapatid kong si Sylaila, na halatang na-miss din ako. Si Papa, tumayo rin, pero talagang kalmado siya. Niyakap din niya ako nang sobrang higpit, senyales na na-miss din ako.“So, nasaan ang girlfriend mong si Ilaria?” bungad na tanong ni Papa Sylas. Talagang si Ilaria ang una niyang hinanap. Patingin-tingin pa siya sa likuran ko, umaasang kasama ko nga siya.Pati sina Mama at Sylaila ay napatingin din sa likod ko. Akala nila ay kasama ko talaga si Ilaria.“Wala po, nasa work. Private nurse kasi siya. Pero, huwag kayong mag-alala, kapag may puwede na siya, iha
最終更新日 : 2026-01-04 続きを読む