Ilaria POVLumapit si Mama Keilani sa akin para yakapin ako. Pinunasan din niya ng kamay niya ang luha sa mga mata ko. Maging si Papa Sylas, lumapit para bigyan din ako ng yakap.“Huwag kang mag-alala, hija, tutulungan ka naming makamit ang katarungan sa pagkamatay ng Nanay mo,” seryosong sabi ni Papa Sylas sa akin.“Pero, Papa, patay na po ang Mama ni Lorcan,” sabi ko bigla. “Pero, hindi po ako ang pumatay. Si Lorcan. At iyon ay kasunduan naming dalawa,” dagdag ko pa.“Anong ibig mong sabihin, Hija?” naguguluhang tanong ni Papa Sylas, kaya doon ko na rin sinabi sa kaniya ang tungkol sa mga usb na nakuha ko sa kuwarto ni Lorcan.“So, dahil sa mga video na iyon, hawak mo siya sa leeg?” tanong naman ni Mama Keilani.“Opo, at kaya niya pinatay ang mama niya ay para tigilan ko na siya. Para safe na siya at para hindi masira ang pangalan niya,” paliwanag ko.Nagkatinginan tuloy sina Mama Keilani at Papa Sylas.“Gets ko na. Kaya ka pumasok na private nurse sa pamilya niya ay para maghiganti
Last Updated : 2026-01-07 Read more