“What?” hindi makapaniwalang napatitig si Lindy sa lalaking nakatayo sa harap niya. Ito ang unang beses niyang narinig ang bagay na iyon pagkatapos ng ilang taon nila bilang mag-asawa at pre-nup? Wala siyang pinirmahang ganun. Umiling siya at naningkita ang mga mata. “Don’t joke Noah.” matigas na sabi niya. “Asawa mo ako kaya irespeto mo ang desisyon ko at—”“Hell, no!” sagot nito sa kaniya. “Wala kang karapatan na pigilan akong iuwi dito ang mga anak ko.” mariin din nitong sagot sa kaniya at ipinagdiinan pa ang mga huling salita. Nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya akalain na magdedesisyon itong iuwi doon ang mga anak nito galing sa babaeng iyon.“So, ipipilit mo ang gusto mo?” walang ekspresyon ang mukha niyang tanong dito.Sinalubong nito ang kanyang mga mata. “Yes, at wala kang magagawa tungkol dito.” sagot nito sa kaniya dahilan para mapamura na lang siya ng wala sa oras at lumabas dala ang kanyang cellphone. Kailangan niyang masiguro ang sinasabi nitong pumirma siyang pr
Read more