PAGPASOK ni Noah sa kanyang kotse ay muli siyang napasandal sa kanyang kinauupuan. Napasapo siya sa kanyang mukha. Parang isang panaginip ang lahat ng nangyayari sa kaniya ng mga oras na iyon, parang hindi totoo. Ang pagkamatay ng kanyang ina, ang pagkadukot kay Kath at sa mga anak niya at higit sa lahat ay ang katotohanan na hindi niya pala anak si Alexa. Pero paano? Paano nangyari ang lahat ng iyon? Ngayon niya naiisip na hindi kaya ginawa ang lahat ng iyon ni Lindy ay dahil ayaw nitong maghiwalay silang dalawa? Na kung sakaling malaman niya na may anak sila ni Kath at malaman niyang hindi niya tunay na anak si Alexa ay hiwalayan niya ito, iyon ba, iyon ba ang kinakatakot nito?Pero sapat na ba ang lahat ng iyon para gawin nito ang mga bagay na iyon? Bakit kailangan pa nitong patayin ang kanyang ina? Bakit?Ngayon ay gusto niyang magsisisi. Ni hindi niya pala lubos na kilala ang babaeng pinakasalan niya. Ibang iba ito sa Lindy na nakilala niya noo, ibang iba na ito. Ilang sandali
더 보기