HINDI sumabay si Lindy kay Noah sa pagpunta sa burol ng ina nito. May naisip na naman kasi siyang plano. Labag sa kalooban niya na nasa bahay nila ang tatlong bastardo nito kaya hindi lang siya basta uupo sa isang tabi at hahayaan lang ang mga ito. Hinanap niya ang tagapag-alaga ni ALexa. Limampung libong piso ang inabot niya rito.Namilog ang mga mata nito dahil sa matinding gulat. “Ma-ma’am, ano po ito? Bakit po binibigyan niyo ako ng pera?” puno ng pagtatakang tanong nito sa kaniya.Ngumiti siya rito. “Well, may isang bagay lang akong gustong iutos sayo. Gusto ko na umalis ka muna rito sa bahay isama mo si Alexa. Umuwi ka sa inyo kung kinakailangan.” sabi niya at muling naglabas ng pera mula sa kanyang bag at muling ibinigay rito. “Gusto kong ibigay mo yan sa guard. Pati siya ay paalisin mo muna tutal ay wala naman siyang kailangang bantayan dito sa bahay.” sabi niya rito habang nakangiti.Napuno naman ng pag-aalinlangan ang mukha ng kasambahay. “Pero ma’am, paano po ang mga anak n
더 보기