ILANG sandali na ang lumipas ngunit wala ni isa sa kanilang tatlo ang nagsalita. Nanatili lang nakatitig ang mga ito sa kaniya na parang nga-iisip hanggang sa isa-isa na ang mga itong nag-iwas ng tingin mula sa kaniya. Dahil dito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala, bakit ganito ang mga ito? Bakit ayaw nilang magsalita? May problema ba? Napaka simple lang ng kahilingan niya, ang makita o makausap ang mga anak niya pero bakit? Bakit hindi nila siya masagot?“Anak, magpahinga ka na lang muna okay? Huwag mo munang isipin ang mga anak mo. nasa, nasa bahay sila. Nagpapahinga…” sabi ng kanyang ina sa kaniya ngunit ni hindi man lang siya nito tiningnan sa kanyang mga mata. Bukod doon ay hinalikan pa nito ang kanyang ulo. “Magpahinga ka na muna, huwag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano. Kapag lumabas ka rito sa ospital, sila ang unang sasalubong sayo pag-uwi mo.” muling sabi nito sa kaniya ngunit iba ang pakiramdam niya.Bakit ba parang hirap na hirap ang mga ito na iharap sa kaniya a
더 보기