Nakatitig lamang si Marga sa makapal na dokumentong hawak niya, tila ba sinusuri ang bawat letra at numero hindi bilang impormasyon, kundi bilang bakas ng isang taong matagal na niyang sinusubukang intindihin—si Denn Corpuz. Sa kapal ng papel na iyon, para bang nakikita niya ang mga mata ni Denn—itim na itim, kalmado, at kasinglalim ng karagatan. Mga matang tila laging may nakatagong lihim, mga matang minsang pinagkatiwalaan niya nang buong-buo.Napakagat-labi si Marga. May pait sa dibdib niyang hindi niya maipaliwanag, isang sakit na hindi kayang damhin ng kahit na sinong estranghero. Ilang taon na ba siyang nilamon ng katahimikan, ng pag-iisa, ng pag-asang baka sakaling totoo ang lahat ng pinaniwalaan niya noon?Lahat ng plano niya—lahat ng pangarap niya—ay iniakma niya sa isang pangalan: Denn Corpuz.Noong siya'y bata pa, ipinagkatiwala siya ng lalaking iyon kay Hope, isang simpleng babae na walang kaalam-alam sa bigat ng responsibilidad na iniatang sa kanya. Noon pa man, nasa yugto
Last Updated : 2025-01-12 Read more