Habang tahimik na nakahiga si Brandon sa tabi ni Marga, ang mga daliri nila ay magkahawak, at ang dibdib niya ay bahagyang humihinga ng mas maluwag kaysa dati. Ang daming nangyari, ang daming nasaktan. Pero ngayon… kahit paano, mas gumaan.Pinagmasdan niya si Marga habang nakatulog ito—ang babaeng minahal niya mula noon, at hanggang ngayon ay minamahal pa rin. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi habang marahang hinaplos ang tiyan nito.“You’re safe now,” bulong niya, hinalikan ang noo ni Marga. “Both of you.”Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa mesa sa tabi ng kama at napakunot ang noo nang makita ang pangalan sa screen.Clinton.Saglit siyang natigilan. Ilang araw na rin simula nang huli silang mag-usap. Mula nang masaksihan ni Clinton ang pagbabalikan nila ni Marga… ay parang tuluyan na itong nawala.Binuksan ni Brandon ang mensahe ni Clinton.“Bro… nakita ko na. And I just want to say… I’m happy for you. Genuinely.”“Alam kong hindi mo hinihingi ang a
Sa loob ng opisina, tahimik lang na nakaupo si Brandon Fowler habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang huling mensaheng ipinadala niya kay Marga, pero wala pa ring reply.“Can I just know if you’re okay?”Pinindot niya ang call button. Tumunog ang linya. Isang ring... dalawa... tatlo…The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.Napayuko si Brandon, saglit na ipinikit ang mga mata habang pinipigilan ang sarili."She’s avoiding me," mahina niyang bulong. "And I deserve it."Nang mapansin ni Russel, ang sekretarya niyang matagal nang tapat sa kaniya, na tila wala sa sarili si Brandon, lumapit ito."Sir, may kailangan ka ba? You’ve been staring at your phone for twenty minutes."Umiling si Brandon, sabay tayo mula sa kinauupuan niya."I'm heading out. May kailangan lang akong puntahan."“Where to? May it be urgent?”Brandon met his eyes, firm yet distant. “It is. But I’d rather not say.”Pagdating sa harap ng condo buildi
Mabigat ang bawat hakbang ni Marga habang hawak-hawak ang isang lumang wooden case na may bakal na lock sa ibabaw. Naroon sila sa rooftop ng kaniyang condo building. Tahimik ang paligid. Ang tanging saksi sa desisyon niyang iyon ay ang simoy ng hangin at ang mala-orange na kulay ng papalubog na araw.Tahimik siyang pinagmamasdan ni Denn Corpuz, ang kaniyang ina, ang bawat kilos niya—tila ba alam na nito kung ano ang nilalaman ng kahong iyon. Ang kahong matagal na ring tinatago. Pinoprotektahan. Pinag-aawayan. Pinagkakaguluhan.Tumigil si Marga sa tapat ng isang galvanized metal barrel at marahang binuksan ang kahon.Isa-isang inilabas ni Marga ang mga dokumento. Ilang luma at kupas na research paper. Iba't ibang blueprint. May ilang pages pa na may holographic seal—nakapangalan sa mismong ina niyang si Dr. Denn Corpuz. May mga annotations na puro equations, technical terms, at projected models ng isang teknolohiyang kayang manipulahin ang reyalidad gamit ang mga hologram.Hindi ito bas
Sa madilim at amoy-kalawang na selda, nanginginig sa galit si Cathy Santillan habang pinagmamasdan ang maliit na telebisyong nakakabit sa sulok ng kanilang kulungan. Naka-headline sa breaking news: “Ferdinand Santillan, umamin sa pagpatay kay Hari Heists. Inako ang kasalanan upang protektahan ang anak.”Hindi na niya napanood ang kasunod. Napasigaw na siya.“No! That’s not true! Hindi siya! Hindi siya ang pumatay!” palahaw ni Cathy habang binabagsak ang palad sa malamig na semento ng sahig. Paulit-ulit. Halos lamog na ang kamay niya pero tila wala siyang pakialam sa sakit.“I said shut up!” sigaw ng isang matandang inmate sa kanya mula sa kabilang kama.Pero lalong tumindi ang sigaw ni Cathy. Parang isang nasisiraan ng bait, sabog ang buhok, warak ang damdamin.“He’s not the killer!” sigaw niya habang humahagulgol. “It’s her. It’s always her!”“Marga! Marga! Marga!” sambit niya, punong-puno ng poot ang tinig. “Bakit palagi na lang ikaw ang pinipili? Ikaw ang mahal! Ikaw ang pinagtatang
Mainit ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng malaking master bedroom. Sa loob ng marangyang silid, nakahandusay pa rin si Charlie Fowler sa leather couch. Amoy alak, yosi, at kaplastikan ang paligid. Malalim ang tulog niya, kasabay ng malalim na pagkalunod sa ilusyon ng kapangyarihan at kontrol.Nasa tabi ng coffee table ang ilang bote ng mamahaling brandy na hindi na niya maalalang binuksan. Ang silk robe niyang Louis Vuitton ay nakaladlad sa sahig. Patay sindi ang TV sa background, paulit-ulit na nagre-replay ang footage ng press statement ni Ferdinand Santillan, at ang sunod-sunod na headline tungkol sa kaniya.“BREAKING: Arestuhin si Charlie Fowler? Sapat na ang ebidensya, ayon sa insider…”“CORRUPTION. MURDER. FRAUD. THE FALL OF FOWLER.”Biglang may kumatok sa pinto. “Open up! This is the police!”Napabalikwas si Charlie. Nanlalabo pa ang paningin. “What the hell—?”Nagsimula nang magsisigaw ang mga pulis sa labas. “We have a warrant for the arrest of Charlie Fowler! Open t
Halos gumuho ang mundo ni Brandon nang makarating sa kaniya ang balita tungkol sa kumakalat na video ni Marga. Video iyon ng gabing naaksidente si Clinton—ang parehong gabing pinahuli ni Marga si Hari Heists. At ngayon, ginamit ang video bilang ebidensya para siraan si Marga. Kitang-kita roon kung paanong ginamit niya ang remote para kontrolin ang sasakyan, kung paanong paulit-ulit binangga sa pader ang kotse habang naroon si Hari, at kung paanong tila sinadya ang psychological torture.Hindi na siya makahinga. Ang mga daliri niya ay nanlamig habang paulit-ulit na pinapanood ang video na inakala niyang na-contain na nila noon pa. Personal niyang sinigurong hindi lalabas iyon sa publiko. Pero lumabas pa rin.Napabagsak siya sa swivel chair niya sa loob ng kaniyang opisina. Para siyang nilulunod sa sarili niyang galit at guilt. Sino ang gumawa nito? Sino ang may access? At—bakit?Bumukas ang pinto ng kaniyang opisina."Hindi ka pa rin nagbabago. Mahina ka pa rin pagdating sa babaeng 'yon