Tumingin naman si Czarina sa labas ng pintuan umaasa na sana ay ideliver na rin sa kanila ang baby nila. Gusto niya ng makita ito, mabuhat at mayakap. Nang manganak siya sa kambal niya, nang magising siya ay katabi niya na ang mga ito pero sa bunso nila kinailangan itong idiretso sa NICU dahil premature baby.Natulog silang dalawa ng hindi kasama ang baby nila. Kinabukasan, nagising si Czarina sa iyak ng mga babies sa mga kabilang kwarto. Napabuntong hininga na lang siya. Gusto niya ng makita ang anak niya, gusto niya na itong marinig na umiyak, gusto niya na itong mapadede pero wala siyang magawa.Nang may pumasok na nurse ay bumangon na rin si Tyrone. Chineck lang si Czarina.“Hindi pa ba siya pwedeng pakainin nurse o kahit tubig man lang?” tanong ni Tyrone.“Umutot na po ba si ma’am?” tanong ng nurse. Tiningnan ni Tyrone ang asawa niya. Kailangan pa ba talaga nilang hintayin na umutot ang pasyente bago painumin?“Yes, umutot na siya.” Pagsisinungaling ni Tyrone dahil naaawa na siya
Last Updated : 2025-05-31 Read more