Nakauwi na sila ng mansion, masaya silang sinalubong ng lahat. Nagluto pa ng maraming pagkain si Melanie para pagsalu-saluhan nila for dinner. Sa halos isang linggo nilang pananatili sa hospital, pakiramdam ni Czarina ay drain na drain na siya. Wala naman siyang ginagawan, nag-aalaga lang din ng anak niya pero iba ang ambiance ng hospital. Tila ba tinutuyo ang buong katawan niya kaya ibang pagod ang nararamdaman niya.“Mommy,” masayang sigaw ni Isabella nang makababa sila ng hagdan. Mabilis silang lumapit kay Czarina. Mahigpit ding niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Mahigit isang linggo lang siyang nawala at nawalay sa mga anak niya pero pakiramdam niya taon ang lumipas.“I miss you both so much,” ani ni Czarina habang nakapikit ang mga mata niya at yakap-yakap ang kambal.“We miss you too, mommy.” Sabay na wika ng kambal. Kumalas na si Isabella at Riley sa pagkakayakap sa mommy nila saka tiningnan si Kalix na buhat buhat ni Melanie.“Can we see, Kalix po mommy? Are we allowed?” ex
Terakhir Diperbarui : 2025-06-09 Baca selengkapnya