“So, ang sakit ni baby ay pulmonary valve atresia, tricuspid valve atresia at PDA – like structure. Complex case si baby, hindi pangkaraniwan ang sakit niya. Dalawang valve ang close kaya hindi makadaloy ng maayos ang dugo niya. So dito sa left, ito ang normal heart natin. Dito dumadaloy ang dugo papasok sa kabilang kwarto pagkatapos ay pupunta sa baga at dahil close ang dalawang valve ni baby hindi makapasok ang dugo niya papunta sa baga. Nakukulangan ng oxygen ang baga niya na siyang dadaloy sa buong katawan niya, yun ang dahilan kung bakit hindi stable ang oxygen saturation ni baby. Ang butas sa puso ni baby, dun pansamantalang dumadaloy ang dugo ni baby pero oras na nagclose ang butas sa puso ni baby mamamatay siya. So, tayong lahat ay may butas sa puso pagkapanganak sa atin pero kusa rin yung magkoclose pagkatapos ng ilang araw o linggo pagkatapos ng kapanganakan. May mga cases na hindi nagkoclose ang butas sa puso kaya kailangan din nila ng intervention pero sa case ni baby hind
Last Updated : 2025-06-04 Read more