BACK AT WORK... Magkasabay na naglakad si Caramel at Fourth sa hallway, walang alinlangang nakikipagpalitan ng ngiti sa mga empleyadong nadadaanan nila. Para kay Fourth, pakiramdam niya ay parang nasa alapaap siya dahil sa wakas, pareho na sila ng nararamdaman ni Caramel. Sarap sa feeling ‘yung mahal ka rin ng taong mahal mo, ‘di ba? Sana lahat nakakaranas ng ganung klaseng love. Nauna si Caramel, binuksan ang pinto para sa kanya habang naka-ngiti, at pumasok siya sa loob ng room na puno ng saya ang puso. Pero pagkapasok na pagkapasok nila, parang bula, agad nawala ang ngiti niya nang makita si Feng, nakaupo sa pwesto niya. Napatingin si Feng sa kanilang dalawa. “Oh, good morning!” bati nito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya kay Feng, bakas ang iritasyon sa tinig. “Ito na ‘yung bagong office ko,” sagot naman nito. Napakunot-noo tuloy siya. “Papalitan mo si Caramel bilang secretary ko?” taas-kilay niyang tanong. Natawa si Feng. “Of course not, Fourth. Si Uno ang nag-recom
Last Updated : 2025-01-04 Read more