"Oo na, babayaran ko ang lahat ng ’yon. Basta mag-usap tayo nang maayos, huwag ganito, please?" pakiusap ni Firlan. Hingal na hingal naman siya bago naupo sa bench. Halos manlambot ang tuhod niya sa pagod dahil ang bilis kasi nitong tumakbo kaya hindi niya talaga mahabol. "Saan ka naman kukuha ng pambayad? Sige nga, abir!?" balik-tanong niya, hindi maitago ang inis. "Magtatrabaho ako," mabilis na sagot ni Firlan, kahit habol pa ang hininga. "Kaya lang… baka sa mga susunod na taon pa kita mabayaran. Nag-aaral pa kasi ako eh," dagdag pa nito, sabay iwas ng tingin. Napabuga na lang siya ng hangin, halatang nainis sa sagot. Sandaling natahimik ang paligid bago siya muling nagsalita. "Matanong nga kita, wala ba talaga kayong relasyon ni Caramel?" tanong niya, puno ng pag-uusisa sa tono. Napalingon si Firlan, saka marahang lumapit at umupo sa tabi niya. "Wala. Kapatid ang turing niya sa akin—walang iba," sagot nito, diretsahan at walang pag-aalinlangan. Napatango siya. "Maaari namang
Last Updated : 2025-01-01 Read more