Nanatili sila sa poder ng mag-asawa ng isang linggo bago nila napagdesisyunang umalis. Bukas na ang alis nila, kaya abala sila buong araw sa paghahanda. Sa mga nagdaang araw, hindi talaga nila naiwasan ni Fourth ang mag-sex. Tuwing gabi, basta maramdaman lang nitong tulog na ang mag-asawa, bigla na lang siyang niyayakap mula sa likod, hinahalikan sa batok, at marahang hinihila papalapit. Hindi rin naman siya makatanggi, dahil sa totoo lang, gusto rin naman niya. Kahit alam niyang mali, hinahayaan na rin niya. Pero ngayong gabi, buo na ang pasya niyang tumanggi. Kailangan na nilang magpahinga. Maaga silang aalis bukas, at ramdam na rin niya ang pagod mula sa sunod-sunod na puyat nila. Nang maramdaman niyang gumalaw si Fourth sa tabi niya at sinimulan na siyang kalabitin, agad siyang pumikit. “Maaga tayo bukas, kaya matulog tayo nang maaga,” pabulong niyang tanggi na kunware'y may antok sa tono. “Pa-isa lang. Hindi ako makatulog,” pakiusap nito habang pilit siyang hinahaplos. Tina
Last Updated : 2025-01-03 Read more