“Ok,” tanging tugon ni Caramel. “Olivia, let’s get inside. Umaambon na,” aya ni Fourth sa anak dahil sa ambon, kahit may araw naman. Gusto niyang ibahin ang usapan—dahil ito na naman siya, namamawis sa kaba. “Daddy?!” matinis na tawag ni Olivia, nakahalukipkip pa ito. Hindi kasi iyon ang inaasahan niyang marinig mula sa bibig ng ama. Agaran siyang binuhat ni Fourth, saka inaya si Cara na pumasok na sila sa loob ng mansiyon. Lumalakas na rin kasi ang ambon. Pagkalapag kay Olivia, muling naghalukipkip ang bata. Bakas sa mukha nito ang yamot at pagkairita sa kaduwagan ng kanyang ama. “Tell her now!” mariing utos ng bata, nagsisimula na naman itong mangulit. ‘Jusko naman, Olivia! Naiihi na ang daddy mo sa kaba,’ sigaw ng isip ni Fourth sa pangungulit ng anak niya. “‘Yung alin?” tanong ni Caramel, hindi na napigilan. Napatingin muna siya kay Olivia bago ibinalik ang tingin kay Fourth. “I’m s-sorry,” ani Fourth, nanginginig ang boses. Pati ang mga kamay niya ay bahagyang nanginig kay
Last Updated : 2025-01-13 Read more