JENINEPasado alas dos ng hapon, at dumating na nga ang napakalungkot na sandali ng muling pagkakalayo namin ni Huxley. Kahit anong pilit kong pigilan ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang mapaluha."Babe, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak," wika niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.Napaingos ako. "Hindi ko lang mapigilan, babe.""Naku Ma'am, kapag ganyan kayo, baka hindi na umalis yan si bro Huxley," panunukso ni Marco."Oo, hindi na ako iiyak," mahina kong sabi. Sandali kong isinantabi ang nararamdaman kong lungkot, kailangan kong maging matatag para sa amin ni Huxley kahit ang totoo, sumisikip na ang dibdib ko dahil ilang minuto nalang papasok na siya sa boarding area.Nang magsimula ng mag-announce ang airport staff para sa kanilang boarding time, parang gusto ko na namang maiyak. Pero kailangan kong pigilan dahil ayaw kong mahihirapan si Huxley."Paano babe, papasok na ako," wika niya at muli akong niyakap at kinintalan ng halik sa noo. Pero hindi ko na n
Last Updated : 2025-11-22 Read more