JENINEDahil kay Liam, naiibsan ang pangungulila ko kay Huxley. Ang munting tawa niya ang nagbigay ng saya sa bahay namin.Sa tuwing gigising siya sa umaga at sasalubong sa akin ang inosente niyang ngiti, para bang nawawala ang bigat ng lahat ng iniisip ko. Kahit pagod sa maghapon, mahalikan at mayakap ko lang siya, ay sapat na para mapawi ang lahat.Minsan, habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang isipin si Huxley—kung gaano sila magkamukha, lalo na kapag nakangiti siya. Para bang nakikita ko sa anak ko ang lalaking mahal na mahal ko.“Mana ka talaga sa Daddy mo…” mahina kong bulong habang hinahaplos ang buhok niya.At sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman na kahit wala si Huxley sa tabi ko, hindi ako nag-iisa. Dahil nandito si Liam—ang munting paalala ng pagmamahalan namin at ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.Isang gabi, saktong nakatulog na si Liam, tumawag sa akin si Huxley. Lumabas na naman ako ng kwarto at nagpunta sa sala."Hello babe," is
Read more