BLYTHE JULIANNA..."Who says na hindi pa tayo kasal?" anang lalaki sa kaniya na ikinaawang ng kaniyang bibig. "W-What?"Awang ang mga labi at nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat ng marinig ang sinabi ng lalaki. Pinisil nito ng may panggigigil ang kaniyang baba at ginawaran siya ng halik sa noo."I said, who says that we are not married? We are baby. You are my wife and I am your husband. We are legally married, hmmmm," sagot nito sa kaniya. Awang pa rin ang kaniyang labi dahil sa gulat at hindi pa rin nakakabawi.Parang ang bagal mag sink in ng mga sinabi nito sa kaniyang isip. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa sinabi ng lalaki. Wala naman siyang naalala na ikinasal silang dalawa, unless kung nagka amnesia siya ng dahil sa nangyari sa kaniya."Hey! Are you okay?" nag-aalala ang boses na tawag nito sa kaniya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo ng mahimasmasan at mapakla na ngumiti."Binibiro mo lang ako, hindi ba?" tanong niya rito at napalunok ng laway ngunit umiling i
Última atualização : 2026-01-10 Ler mais