BLYTHE JULIANNA..."Ace, anak..!" sinalubong sila ng kaniyang pamilya at kita ang tuwa sa mga mata ng mga ito lalong-lalo na ang kaniyang ina. Matamis siyang ngumiti sa mga ito at agad na sinalubong ng isang mainit at mahigpit na yakap ang kaniyang nanay na patakbo na sumalubong sa kanila ng makita sila nito.Pagkagaling sa airport ay sa bahay sila ng kaniyang mga magulang dumiretso dahil nandoon ang kanilang anak na si Leon."Nay! I miss you," natatawang sabi niya rito habang mahigpit na yakap ang ina. Ramdam niya ang panggigil sa pagyakap nito sa kaniya tanda ng pangungulila sa anak."I miss you too swertheart. Salamat sa itaas na ligtas kayong nakauwi ni Luke." "Welcome back, princess," nabaling ang kaniyang atensyon sa nagsasalita. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang kaniyang ama kaya naman ay agad siyang kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang nanay at inilang hakbang ang pagitan nilang dalawa ni Joshua El Frio— ang kaniyang mapagmahal na ama."Tay..!" mangiyak-ngiyak na tawa
Last Updated : 2026-01-12 Read more