Kabado ako kinabukasan. Nag-text ako sa HR namin na hindi ako makakapasok. Hindi ko na alam kung papayagan niya ako, pero hindi ko kayang pumasok dahil sa pag-aalala.Dahil gabi na noong sinabi sa akin ni Darius ang tungkol sa pagbabalik ng parents niya, ngayon ko pa lang masasabi kay Mama ang tungkol doon. Pero dahil uuwi naman ako, sa bahay ko na sasabihin.Nang pumasok si Darius dahil marami ulit siyang meeting, nag-ayos rin ako para umuwi. Kabado ako kahit bukas naman sila darating. Pero hindi ko mapigilan. Not when I heard her say those things.Nang dumating ako sa bahay, naabutan ko si Mama na nasa sala. Nakaupo siya doon at nakatingin sa nakabukas na TV, pero agad siyang napabaling sa akin nang pumasok ako.“Jessica,” medyo gulat niyang tawag.I sighed heavily. Sa kanya na ako lumapit. Umupo ako sa tabi niya.“Mama, darating daw bukas ang parents ni Darius,” medyo kabado kong sinabi.Kita ko ang pagkagulat sa mata niya. Umawang ang labi niya, parang may gustong sabihin pero wal
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya