CALEB'S POV:Sa opisina siya ng Tambayan Restobar nila at naghihintay kay Senator Benigno. Kanina pa siya nandoon dahil sabi ni senator, may pag-uusapan daw sila tungkol sa mga dokumentong pinapabenta nito sa kanya.Ayaw na sana niyang humarap sa senator. Pwede naman kasing sa sekretarya niya na lang ito ibigay. Pero nagpumilit ito at nakakahiyang tanggihan. Pagbibigyan na lang niya ang lalaki. As usual, magpapaka-plastic na naman siya.Maya-maya ay may kumatok sa kanyang opisina.“Boss, andito po si senator at hinahanap ka.”“Sige, pupunta na ako,” sabi niya sa waiter na tumawag sa kanya.Humugot muna siya ng malalim na hininga bago tumayo sa kanyang office chair. Siya pa lang ang naroon. Wala pa ang mga kaibigan niya, pero may usapan silang pupunta rin doon.Paglabas niya sa opisina ay nakita agad niya si senator. Mag-isa lang ito at may dalang bag. Ngumiti agad ito nang makita siya.“My boy, Caleb!” nakangiting salubong nito sa kanya. Lihim siyang napangiwi sa tuwing tinatawag siya
Last Updated : 2025-06-27 Read more