"Nay! Tay!" magiliw na sabi niya nang makita ang dalawang matanda."Liam, anak... nabalitaan namin kay Yassy na umuwi ka na kaya binisita ka namin dito.""Salamat sa pagbisita, Nay, Tay.""Si Mama nga pala...""Mam Gorgina... kamusta ka na?" mahinang tanong ni Nanay Ising sa ina niya. Alam niyang may pag-aalala ito para sa ina."Gorgina na lang, Ising. Hindi naman magtatagal at magiging mag-balae na tayo.""Ang ibig mong sabihin?....""Yes, Nay, Tay... kami na po ni Almira," masayang balita niya."Abay mabuti naman kung ganun, iho. Napalambot mo ang puso ng anak namin?""Hahaha... syempre, Tay, hindi niya natiis ang kagwapuhan ko!" biro niya.Masaya silang nagkwentuhan at nagtawanan. Nakita niyang sa mukha ng mama niya na masaya din ito. Doon na din kumain ang mga magulang ni Almira. Binigay niya na din ang mga pasalubong ng mga ito galing kay Almira."Ano naman ang gagawin namin dito sa relo na pinadala ni Almira, iho? Mukhang mahalin ito... hindi naman namin magagamit ito." reklamo
Huling Na-update : 2025-09-14 Magbasa pa