Mag-log inKinabukasan ay bumiyahe na sila nina Tessa kasama ang kaniyang mama papuntang Quezon Province. Kahit paano ay gumaan ang kanyang pakiramdan dahil makakapagbakasyon siya kahit sandali.Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kumokontak si Nicolas sa kanya. Unti-unti na niyang tinatanggap sa sarili na baka nagbago na talaga ang isip ng lalaki. Iyon na lang ang iniisip niya para hindi gaanong masakit. Habang maaga pa, kailangan na niyang tanggapin na baka hindi talaga sila para sa isa’t isa.Pagdating nila sa mansion ng mga Flores, malayo pa lang ay nakaabang na agad sa kanila ang pamilya nina Ate Elise. Kasama nito ang asawang si Gov. Felix. Si Mayor Elijah naman ay nakayakap sa asawa nitong si Paulette habang marahang hinihimas ang malaki nitong tiyan. Malapit nang manganak si Paulette samantalang siya ay magdadalawang buwan pa lamang.Sandali siyang natigilan. Hindi naman sa naiinggit siya, pero noong mga panahong crush pa niya si Mayor Elijah, minsan ay pinangarap din niyang magkaroon n
“It’s been three days pero hindi pa rin umuuwi sina Lolo Li, Kuya Noah, at Nicolas. Miss na niya ang ugok na iyon. Sa tatlong araw na nasa Cebu ito, ni isang tawag o text man lang ay wala para kamustahin siya.Samantalang si Kuya Noah, palaging tumatawag kay Tessa. Alam naman niyang magkasama lang ang dalawa.“Hmp! Ginagalit talaga ako ng lalaking ’yon! Makikita mo, pag-uwi mo rito hindi kita papansinin. Manigas ka!”“Ano’ng sinisimangutan mo diyan, Marise?”Nagtatakang tanong ni Tessa habang nasa bahay sila. Hindi muna siya pinagtatrabaho ng kanyang mama sa grocery store para makapagpahinga nang lubusan. Ngayon, dalawa na silang buntis ni Ate Tessa, isang bagay na hindi niya kailanman inakalang mangyayari.“Tumawag na ba si Kuya Noah sa’yo, Ate?”“Oo naman. Bakit?”“Kailan daw ang balik nila dito sa Manila?”“Wala pa siyang sinasabi, pero kapag pabalik na raw sila tatawag siya agad.”Napasimangot siya.“Bakit? Hindi ka ba tinatawagan ni Nicolas?”“Hindi nga, eh. Pero wala akong pakia
Napatitig siya kay Anthony na masama ang tingin sa kanya.“Bakit mo ginawa ’yon sa pamangkin mo, Nicolas? Wala ka na bang hiya?” galit na saad ng kanyang kuya, ang ama ni Anthony.“Ako sana ang magiging apo ni Mr. Li ngayon!” singit agad ni Anthony habang nagngangalit ang mukha. “Ako sana ang papakasalan ni Marise. Pero dahil naiinggit si Uncle Nicolas at gusto niyang mas lalong lumakas sa negosyo, inagaw niya sa akin si Marise dahil apo siya ni Mr. Li!”Hindi niya pinansin ang mga bintang nito. Sa halip ay kampante lang siyang sumandal sa sofa.“Hindi ba sinabi ko sa’yo? Matagal ko nang nobya si Marise bago pa kayo nagkakilala?” malamig niyang sagot. “At kung naging mabuti ka lang sanang nobyo sa kanya, baka hinayaan pa kitang mapunta siya sa’yo.”Kasunod noon ay mapakla siyang napangiti dahil hindi totoo iyon. Hindi niya ipapaubaya si Marise dito kahit anogn mangyari. “Pero sinabi mo rin ba sa daddy mo na may nabuntis kang ibang babae habang kayo pa ni Marise?” dagdag niya“What?
NICOLAS POV:Hindi niya mapigilang ngumiti. Mabuti na lang at nakinig siya sa kanyang lola na magpakatapang at harapin si Marise. Kung hindi, baka nasa kwarto pa rin siya ngayon, nagpapakalunod sa alak. Hindi niya sana malalaman na buntis si Marise… at siya ang ama.Masama siyang tiningnan ni Marise habang magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Kasalukuyan silang pauwi sa mansion ng pamilya Li.“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” sita nito.Napakamot siya sa ulo. “Wala… masaya lang ako.”Mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa kanya, pero ayos lang iyon sa kanya. Alam niyang balang araw, mapapalambot din niya si Marise, lalo na’t ramdam niyang boto sa kanya ang pamilya nito, lalo na si Mr. Li.“Nicolas…”Napalingon siya kay Mr. Li na nasa front seat.“Bukas, babalik kami ni Noah sa Cebu. Maaari mo ba kaming samahan? May mga aasikasuhin kami roon tungkol sa negosyo.”Bahagya siyang nagulat. “A-ah… pwede po akong sumama, Mr. Li?”“Oo naman,” sagot ng matanda na may ngiti. “Magiging apo
Napapikit siya sa sinabi nito. Hindi naman ganoon kahina ang boses ni Tessa kaya malinaw na narinig iyon ng lahat sa loob ng silid.“Tessa…” saway ng kanyang mama habang napapailing, ngunit tila walang balak magpigil.“Seryoso ako!” bulong ulit nito ngunit mas lalo lamang lumakas. “Hindi ka ba nanghihinayang? Di ba ilang araw mo na siyang iniiyakan? Siya pa nga ang dahilan kung bakit ka sumama sa akin sa Quezon di ba? para pagtaguan siya?”Halos maramdaman niya ang init na umakyat sa kanyang mukha. At mas lalo siyang nahiya nang makarinig siya ng mahinang tawa mula kay Noah. Maging ang kanyang mama ay napailing na lang habang si Lolo Li naman ay tila pinipigilan ang sariling mapangiti.Siya naman ay hiyang-hiya dahil binuking na siya nito“Sige ka,” patuloy pa ni Tessa habang pasimpleng sumisilip kay Nicolas. “Kapag napunta ’yan sa ibang babae, magsisisi ka talaga!”Agad siyang umiwas ng tingin. Hindi niya kayang titigan si Nicolas nang matagal. Lalo na ngayong nakatingin lang ito sa
“H-Huh?” Parang tumigil ang mundo niya, nanlaki ang kanyang mga mata. “Buntis ako?”Hindi agad nagsink in sa kanya ang sinabi nito. Paano siya mabubuntis? Isang gabi lang naman may nangyari sa kanila ni Nicolas, at hindi na iyon nasundan.Ngunit nang maalala niya ang gabing iyon ay biglang uminit ang kanyang mukha... Ilang beses nga ba silang nagtalik noon? Hindi na niya maalala, paulit-ulit siyang inangkin ni Nicolas na parang sabik na sabik itong bawiin ang lahat ng panahong nawala siya rito. At siya man ay hindi rin nagawang tumanggi.Napapikit siya. Paano na ngayon ito? Para kay Nicolas, isa lang talaga siyang bagay na nagbibigay saya rito... Isang sex object. Biglang kumirot ang kanyang dibdib sa isiping iyon.“Sino ang ama ng dinadala mo, Marise?” matigas na tanong ng kanyang lolo. Tahimik lamang ang kanyang kuya at mama. Parang hinayaan na nilang si Lolo Li ang kumausap sa kanya.Unti-unting nanlabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha. Kung sasabihin niyang si Nicolas
Pagdating sa kwarto ni Lolo Li ay kumatok siya nang dalawang beses. Mabilis naman siyang pinagbuksan ng nurse.Nagulat ito nang siya ang bumungad. “Ano ang ginagawa mo dito, Marise?” nagtatakang tanong nito.Gusto niya itong supladahan. Kapag sina Elise at Paulette, “Ma’am” ang tawag nito. Pero kapa
MARISE POV:“Pak, shit!”Sigaw niya pagkarating sa kanilang kwarto.“O, anong nangyari sa’yo?” gulat na tanong ng kanyang kuya na si Noah, na naglalaro ng ML habang nakahiga sa sofa.“Ang mag-inang Elise at Paulette na ’yon, nakakairita!” pabagsak siyang umupo sa kama, nakabusangot ang mukha. “Lagi
Marahil ay tama si Noah. Kapag lalo niyang ginalit si Elise, baka tuluyan na silang mapaalis sa China. Isang maling hakbang lang at maaari silang tuluyang mawalan ng access sa mall, sa iba pang kompanya… at sa pamilya.“Hihintayin nating mamatay ang isyu, at kapag kampante na sila… doon tayo kikilo
“May bahay si Lolo sa loob ng isang malaking village. Malaki ang bahay na iyon. Iyon ang ibibigay ko sa inyo para hindi na kayo bumalik sa dati ninyong tinitirhan… kasama ang isang negosyo.”Nagulat ang tatlo.“Bibigyan ko rin kayo ng puhunan para makapagsimula kayo ulit,” dugtong niya. “Kung ano a







