NICOLAS POV:Hindi niya mapigilang ngumiti. Mabuti na lang at nakinig siya sa kanyang lola na magpakatapang at harapin si Marise. Kung hindi, baka nasa kwarto pa rin siya ngayon, nagpapakalunod sa alak. Hindi niya sana malalaman na buntis si Marise… at siya ang ama.Masama siyang tiningnan ni Marise habang magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Kasalukuyan silang pauwi sa mansion ng pamilya Li.“Ano’ng nginingiti-ngiti mo diyan?” sita nito.Napakamot siya sa ulo. “Wala… masaya lang ako.”Mas lalo lamang tumalim ang tingin nito sa kanya, pero ayos lang iyon sa kanya. Alam niyang balang araw, mapapalambot din niya si Marise, lalo na’t ramdam niyang boto sa kanya ang pamilya nito, lalo na si Mr. Li.“Nicolas…”Napalingon siya kay Mr. Li na nasa front seat.“Bukas, babalik kami ni Noah sa Cebu. Maaari mo ba kaming samahan? May mga aasikasuhin kami roon tungkol sa negosyo.”Bahagya siyang nagulat. “A-ah… pwede po akong sumama, Mr. Li?”“Oo naman,” sagot ng matanda na may ngiti. “Magiging apo
続きを読む