“Ang relasyon ng tao ay para ring mga halaman, apo. Kailangan ding diligan at arugain para yumabong.”Tumango siya, pero agad ding napabuntong-hininga. “Kaya nga, Lolo… paano ko gagawin ‘yon kung hindi natin pupuntahan si Tessa?”Napahalakhak ang matanda. “Ikaw talaga, masyado kang atat. Sige, bukas pupunta tayo. Tatawagan ko si Tessa mamaya para makapaghanda sila.”Biglang lumaki ang ngiti niya. Halos abot-tenga iyon sa sobrang saya.“Sige, Lo! Maghahanda na rin ako!” excited niyang sabi.Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Ang dami na niyang plano, kung paano siya kikilos, ano ang sasabihin, paano niya muling mapapangiti si Tessa. Excited na excited siyang makita ulit ang babaeng muling nagpapatibok ng puso niya.Kinabukasan, maaga silang naghanda. Maayos nang nailagay sa compartment ng sasakyan ang mga gamit nila. Nakaupo na siya sa driver’s seat habang hinihintay si Lolo, na abala pa sa pagbibilin sa mga tao sa mansion.Nang makapasok ito sa sasakyan, agad napatingin sa li
Mehr lesen