NICOLAS POV:Isang linggo na ang lumipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makontak si Marise. Simula noong may muling nangyari sa kanila, hayagan na siyang nilayasan ng dalaga, parang bula itong naglaho nang walang kahit anong paliwanag.Noong una, akala niya ay magiging madali lang ang lahat. Akala niya, sapat na ang isang tawag, isang utos, o isang pagpunta niya upang bumalik agad si Marise sa kanyang piling.Pero nagkamali siya, Hindi pala ganoon kadali. Lalo na ngayong saka lang niya tuluyang naintindihan ang tunay niyang nararamdaman.Sa loob ng maraming taon, pilit niyang ikinukubli sa sarili ang damdaming iyon. Pilit niyang ipinapakitang wala lang si Marise sa kanya, na isa lang itong babae sa napakaraming kayang mapalapit sa kanya anumang oras niya gustuhin.Ngunit ngayong wala na ito… ngayon niya narealize kung gaano kalaki ang espasyong iniwan nito sa buhay niya. At kung gaano kasakit ang pagkawala nito.Napabuntong-hininga siya at napasandal ng upo sa kanyang sa
Read more