“Tsaka,” dagdag pa ni Ted habang nakangisi, “kung nagkamali ka man, hindi ibig sabihin no’n tapos na ang buhay mo. Tingnan mo nga, nandiyan si Noah. Kita naman sa loko na baliw na baliw sa’yo.”“Loko talaga siya,” napailing niyang sabi, naaalala ang binatang lasing at muntik na siyang sukahan ilang minuto lang ang nakalipas.Napahalakhak si Ted. “Ayun lang. Mukhang mahaba-habang pasensya ang kakailanganin mo sa asawa mo.”“Asawa agad?” taas-kilay niyang tanong.“Oo naman. Buntis ka na, tanggap na siya ng pamilya, ano pa bang kulang?”Bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Noah na sabog ang buhok at gusot ang damit. Halatang bagong gising at litong-lito.“Babe…” paos nitong tawag habang halos nakapikit pa. “Bakit mo ako iniwan?”Sandaling natahimik. Pagkatapos ay sabay silang napatingin ni Ted kay Noah, at napangisi nang malaki.“Ayan na ang mayaman kong bayaw,” tukso nito.Napapikit si Tessa sa hiya. “Kuya, tumigil ka nga!”Ngunit hindi na napigilan ni Noah
Read more