Nagkakagulo na sa loob ng simbahan. Ang mga bisita, nanginginig sa takot, nagsi-alisan na, kanya-kanyang takbo palabas para makaligtas. Ang dating maligayang selebrasyon ay napalitan ng ingay ng mga sigawan, iyakan, at yapakan ng mga sapatos sa marmol na sahig.“Dalhin na si Ashley sa kotse, bilisan ninyo!” sigaw ni Artus.Mahigpit ang hawak ni Artus kay Ashley, ramdam niya ang panginginig ng katawan ng babae — hindi lang para sa sarili, kundi lalo na para sa batang dinadala niya. "Dahan-dahan lang," bulong ni Artus habang inalalayan si Ashley, protektado ng kanyang bisig.“Artus, saan ka pupunta? Sumama ka sa akin,” nahihirapang sabi ni Ashley. “Babalikan kita, okay? Tatapusin ko lang ito.”Kahit ayaw ni Ashley na makipag-barilan si Artus, wala siyang magawa.Nasa likuran nila si Danica, hawak-hawak ang laylayan ng wedding gown ni Ashley para hindi ito matisod. Kasama rin nila sina Lyka, Loraine, at Sofia. Paglabas nila ng simbahan, sinalubong sila ng dalawa pang bodyguard na agad n
Terakhir Diperbarui : 2025-04-24 Baca selengkapnya