Pagpasok ni Artus sa silid, agad siyang kinabahan. Tahimik. Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam niya—parang may mali. Nilapitan niya ang kama. Maayos ang pagkakagawa ng kumot, walang bakas na may natulog doon. Napalingon siya sa gilid ng kwarto—sa upuan, sa aparador, sa kurtina—pero wala si Ashley.“Ashley?” mahinang tawag niya, ngunit walang tugon.Lumapit siya sa banyo. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura. Pagkabukas ng pinto, bumungad sa kanya ang tanawin na nagpahinto ng tibok ng puso niya sa isang iglap.“ASHLEY!”Nandoon si Ashley, nakalubog sa malamig na tubig sa loob ng bathtub. Hindi gumagalaw. Maputla ang mukha, nakapikit, at tila wala nang malay. Agad siyang lumuhod, binuhat si Ashley mula sa tubig, basang-basa ang damit nito, malamig ang katawan.“Diyos ko… Ashley…” nanginginig ang boses niya habang pinipisil ang pisngi nito. “Baby, please… wake up… Please…”Walang sagot. Agad siyang tumayo, buhat-buhat si Ashley. Mabilis ang hakbang niya palabas ng sil
Terakhir Diperbarui : 2025-04-26 Baca selengkapnya