Margaux“Bakit nandito pa tayo, Sissy?” tanong ni Margareth. O dapat ko bang sabihing, ang impostora?Ngumiti ako ng bahagya, mapanatag. “Kain pa tayo,” sagot ko ng kalmado, parang wala lang. Pero sa loob-loob ko, ang puso ko'y tila may sariling buhay na tumitibok ng mabilis, ngunit hindi sa takot… kundi sa pag-aabang.Paglingon ko kay Gustavo, agad ko siyang nakita na nakangiti rin sa akin, marahan ngunit may seguridad. Tila sinasabi ng kanyang mga mata na, “Huwag kang mag-alala. Tama ang diskarte mo.” At sa sandaling iyon, ramdam kong hindi ako nag-iisa.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para manatiling ganito ka-relax at ka-confident, kahit alam kong nasa paligid lang ang mga kalaban. But maybe… just maybe… it’s because I finally know, kumikilos sila Gustavo sa likod ng mga anino.May dahilan ang katahimikan. May plano.Alam kong ligtas si Margareth. Alam kong ang tunay kong kakambal ay nasa mabuting kamay na sa mga oras na 'to. At higit sa lahat, nakita ko sa mga kilos n
Terakhir Diperbarui : 2025-06-21 Baca selengkapnya