Third PersonSamantala, walang kamalay-malay ang pekeng Margareth na may mga matang nakasubaybay sa bawat hakbang niya. Mula nang makabalik sila sa bahay ng mga Pinto, lihim nang inatasan ni Draco si Gustavo na magtalaga ng tauhan para bantayan ang babae. Hindi ito isang simpleng pagmamanman, ito ay isang operasyon na may halong pagdududa at pangangalap ng ebidensyang maaaring bumunyag sa tunay na pagkatao ng babae.Isa sa mga tauhan ni Gustavo, si Emmett, ang naitalagang sundan si Margareth. Tahimik ngunit alerto, sinundan niya ito nang may kasanayan at tiyaga. Nakasilip siya mula sa loob ng kanyang sasakyan, nakaparada sa isang hindi kapansin-pansing sulok, habang ang mga mata niya'y nakatutok sa target.Nakita niya ang eksaktong sandali nang bumaba si Margareth mula sa isang itim na SUV. Maayos ang bihis nito, may kumpiyansa sa bawat kilos, at napansin ni Emmett na parang iba ang dating ng babae.May tatlong lalaking agad na sumalubong sa babae, at ang mas nakakagulat pa, yumuko pa
Last Updated : 2025-06-10 Read more