Margareth“Bakit ba nandito ka?” tanong ni Margaux, kita sa kanyang mukha ang gulat at kaunting inis. Araw ng kanyang scheduled caesarean section, at kahit alam kong ayaw niyang magkaabala, syempre, nagpunta pa rin ako sa ospital. I mean, kambal kami at hindi ko palalampasin ‘to.“Nung bored ka ay panay ang yaya mo sa akin, tapos ngayon na lalabas na ang mga pamangkin ko ay parang gusto mo silang sarilinin,” tugon kong may halong tampo bilang pang-aasar. Bahagya kong itinaas ang kilay, sabay umupo sa gilid ng kama niya. “Unfair ka talaga.”“Hindi naman sa ganon...” Napayuko siya, hawak-hawak ang tiyan. “Alam kong may pasok ka at–”“Don’t say anything,” putol ko agad sa kanya, marahan pero buo ang boses ko. “Kapatid kita, Margaux. Kambal. Kaya kahit sa moral support man lang ay gusto kong maramdaman mo ako.”Tiningnan niya ako, may kirot sa mga mata niya. Pagod? Takot? Excitement? Baka lahat.“Isa pa,” dagdag ko, “kakagaling ko lang sa school no. Hindi ako basta-basta tatamad-tamad.”“
Terakhir Diperbarui : 2025-06-25 Baca selengkapnya