DracoSa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraang linggo, ang pagdating ng kambal, ang adjustment period namin bilang bagong magulang. Isama mo pa ang mga hindi naging magandang kaganapan na naglagay sa panganib sa buhay ng asawa ko at ni Margareth ay hindi nawala sa isip ko ang tungkol sa kasal namin. Oo, kasal na kami. Pero sa lahat ng aspeto, kulang pa rin.Hindi iyon dahil may pagkukulang si Margaux. Alam kong mahal niya ako, gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Pero iba pa rin talaga 'yung kasal sa harap ng altar, sa harap ng Diyos, ng pamilya, at ng lahat ng mahal naming tao. Lalo pa’t alam kong pangarap iyon ng kahit na sinong babae.Kaya ngayong medyo lumuwag-luwag na ang lahat, hindi na ako nakatiis at tinanong ko na nga siya. Masaya naman akong gusto rin niya. Kaya naman, heto ako ngayon at nakaupo sa executive sofa ng aking opisina, hawak ang cellphone, at abala sa pag-scroll ng mga posibleng honeymoon destinations. Dapat, espesyal. Dapat, hindi malilimutan.“Ano, hirap na hir
Last Updated : 2025-06-27 Read more