MargauxNakahawak pa rin si Draco sa kamay ko, at ramdam ko ang bahagyang panginginig ng palad niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o sa bigat ng damdamin na nais niyang ibahagi. Tumingin siya sa akin, malalim, matapat, at puno ng damdamin.“Sugar,” mahinahon niyang simula, ngunit bawat salita ay parang dumadagundong sa dibdib ko, “alam kong ito ay medyo... baligtad. Kasi kung tutuusin, asawa na kita.”May bahagyang tawa mula sa mga bisita, pero nanatiling seryoso ang mga mata ni Draco habang ipinagpapatuloy ang pagsasalita.“Kinasal tayo noon ng pasikreto lang, walang bulaklak, walang mga bituin, walang cake, walang musika. At higit sa lahat, walang proposal. Hindi kita natanong kung gusto mo ba akong makasama habang-buhay. Basta isang araw, pumirma tayo ng papel at naging mag-asawa tayo. Pero Sugar…”Napalunok siya, at nakita kong bahagyang nangilid ang luha sa kanyang mga mata.“... araw-araw mula noon, pinagsisisihan kong hindi ko nagawang hilingin ang kamay mo sa paraang kar
Last Updated : 2025-06-08 Read more