JENNIFER POV "Sweetie, ito na iyung juice mo and sinamahan ko na din ng cheesecake for your dessert. May iba ka pa bang gustong kainin?" nakangiting tanong sa akin ni Elijah nang muli niya akong balikan. Inilapag niya sa harap ko ang isang fresh orange juice na may kasamang cheesecake. "Thank you Elijah. Mukhang masarap ito ah?" nakangiti ko namang sagot. Dinampot ko ang baso na may lamang orange juice at sumimsim ng kaunti. "Yeah..masarap daw iyang cheesecake ayun kay Jeann kaya dinalhan kita. Si baby Alexa nga pala, nasa loob ng mansion, nilalaro ng mga pinsan kaya huwag mo siyang isipin. I want you to enjoy this party." nakangiti nitong muling bigkas. Lalong gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko habang hindi ko mapigilan ang pag-ikot ng aking paningin sa buong paligid. Ang bongga ng birthday party ni Veronica. Ang dami din nilang bisita at sobrang busy ng birthday celebrant sa pag-aassist ng kanyang mga bisita. "Ahmmm, Elijah, sino nga pala ang babaeng iyun? She looks fam
Last Updated : 2025-03-18 Read more