تسجيل الدخولJACQUELINE POV Sa totoo lang, nakakapagod na. Sobrang nakakapagod nang palaging ako ang kailangang umintindi. Ako ang kailangang magpakumbaba. Ako ang kailangang tumahimik. Samantalang si Aimee, sapat nang umiyak ito para kampihan agad siya ng lahat. “Ano ang ginagawa mo? Give me that phone.” naaa ganoon akong sitwasyon nang bigla na lamang may umagaw sa hawak kong cellphone. Napasinghap ako sa gulat at agad na napatingin sa taong kumuha niyon. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makita ko si Russell na nakatayo sa aking harapan. Suot pa rin nito ang puting polo na bahagya nang nalulukot. Namumula ang mga mata nito at naamoy ko ang alak sa kanyang sistema. At habang tinititigan ko siya, kitang kita ko ang matinding galit sa mukha niya habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Nanlalamig ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen. At sa unang pagkakataon, nakita kong ganoon kagalit si Russell. “Mr. Torres, pinapaiyak mo ang asawa ko.” malamig ang tono ng bos
JACQUELINE POVPAGKADATING ko ng kwarto, kaagad akong dumirecho ng banyo. Pakiramdam ko kasi ay buong araw na nakadikit sa balat ko ang pagod at inis mula sa nangyari sa school. Pagkapasok ko sa loob, agad kong isinara ang pinto at sumandal sandali habang mariing ipinikit ang aking mga mata.Sobrang tahimik ng buong paligid. Tanging tunog lamang ng patak ng tubig mula sa gripo ang naririnig ko.Marahan akong napabuntong-hininga bago tuluyang kumilos. Isa-isa kong ginawa ang aking evening routine ko. Naghilamos, nagsipilyo, at nagbihis ng maluwag na pantulog---maluwanag na pajama at blouse. Pilit kong kinakalimutan ang mga hindi magandang nangyari ngayun araw. Una na doon ang kumprontasyon namin Aimee sa School at ang presesnya ni Martin Romnick sa restaurant. At isa pa roon ay ang para bang nagtatampong si Russell. Paglabas ko ng banyo, bahagya pang basa ang aking buhok habang pinupunasan ko iyon gamit ang maliit na tuwalya. Ngunit agad na natigil ang aking pagkilos nang marinig ko
JACQUELINE POV “Oo, ex ko si Martin, pero matagal ko na siyang hindi gusto! Simula noong pinatulan niya si Aimee, matagal na ring hindi maayos ang tuwing pagkikita namin. Ang weird nga kanina eh... hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo niya. Sila nga itong may kasalanan sa akin, sila din itong galit,” seryoso kong sagot kay Russell habang diretso ang tingin ko sa harapan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Halos mamuti ang mga daliri niya sa sobrang higpit habang tahimik na nakatingin sa daan. Tanging tunog lang ng aircon at ng makina ng sasakyan ang maririnig sa loob ng kotse. Hindi agad siya sumagot. At dahil doon, mas lalo akong nakaramdam ng matinding pagkailang. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang problema kaya lang, nahihiya naman ako Hindi ko din alam kung ano bang nakain ng taong ito at kung bakit bigla siyang naging sobrang seryoso. Kanina naman ay maayos pa siyang kasama. Ngayon, parang may kung anong bumabagabag sa isip niya. Hyaysst, napansin kong bigl
JACQUELINE POV Huminto si Martin sa tapat ko. “Jackie.” malamig ang boses na bigkas ni Martin pero halata ang galit. Hindi ko alam kung bakit kaya kaaagad din akong nag-angat ng tingin at direkta siyang tinitigan sa mga mata. “Yes? May kailangan ka?” malamig ang tono ng boses na tanong ko. Kung totoosin, wala naman na talaga akong nararamdaman sa taong ito eh. Hindi, meron pala. Hindi pagmamahal kundi galit at pagkamuhi. Muntik niya na kasing sirain ang buhay ko eh. Mabuti na lang talaga at may isang Russell Davis na nagligtas sa akin ng gabing iyun. “Ano’ng ginagawa mo rito?” narinig kong tanong ni Martin. Kaagad namang napakunot noo ako. “Kakain…Bakit? Bawal ba?” sagot ko habang pilit pinapanatiling kalmado ang sarili. "Sa ganitong lugar?" puno ng pang-uuyam sa tono ng boses na tanong ni Martin. Na akala mo hindi namin kayang bayaran ang mga pagkain sa lugar na ito "Bakit, iniisip mo ba na hindi namin afford ang lugar na ito? Tsk, Martin, mali ang estimate mo!" yamo
JACQUELINE POV TAPOS na ang klase?" nakangiting tanong sa akin ni Russell pagkalapit niya sa akin. HIndi na din ako nakapalag nang bigla na lang niyang kunin sa akin ang bag ko. "Oo, kakatapos lang." sagot ko din naman kaagad. Napangiti naman siya bago niya hinarap ang mga kaibigan ko "Nagmamadali ba kayo? Sumabay na kayo sa amin, kakain muna tayo ng dinner bago umuwi." pagyayaya niya. Napansin kong kaagad na namilog ang mga mata ng tatlo kong mga kaibigan at sabay-sabay na tumango "Ha? Talaga? Aba, oo naman! Libre na iyan eh, hindi talaga namin palalagpasin iyan.' ani ni Lilia. "Oo, siyempre. free kami ngayun." sabat naman ni Jezzie "Kung ganoon, ano pa ang ginagawa natin. Tara na!" pagyayaya ni Russell at pagkatapos noon, sabay-sabay na kaming naglakad patungo sa kotse Ni hindi man lang namin napansin ang matalim na titig ng kung sino na nakasunod pala sa amin. Sa isang sikat na restaurant kami dumiretso. Pagkapasok pa lang namin ay bumungad na agad ang malamig na h
JACQUELINE POV “What? So talagang totoo ang tsismis?” gulat na bulalas ni Eduardo dahilan para mapalingon pa sa amin ang ilang taong nasa katabing mesa. “Gosh! Kasal ka na at naghoneymoon na kayo? Jackieeeee!” kinikilig na sambit ni Jezzie habang hinahampas pa ang braso ko. “Grabe! Ang swerte mo naman!” sabat naman ni Lilia “Wait lang, wait lang!” sabat ni Jezzie habang parehong nakatakip ang kamay sa bibig niya. “So ibig mong sabihin… hindi ka na virgin? Na nakuha na ni Russell iyang sa ’yo?” Halatang-halata ang kilig sa boses niya kaya hindi ko napigilang matawa. “Jezzie. Wala ka talagang filter sa bibig!” natatawang saway ni Eduardo “Ano ba? Curious lang naman ako!” depensa nito sabay kindat pa sa akin. “Eh hello? Si Russell Davis iyon! Napailing na lang ako habang hindi pa rin maalis ang pamumula ng mukha ko. Grabe naman itong mga kaibigan ko. Ang titindi ng imagination. “Hindi naman ganoon kadali ang lahat. At saka… complicated ang kasal namin.” mahina kong s
BARBARA POV “Gusto naming hindi lang sa dugo maging legal ang apo namin kundi pati na din sa pangalan at status sa lipunin. Hindi kami papayag na sa pagsilang ng bata, wala tayong panghahawakan na dokumeto na legal ang pagsasama niyong dalawa ni Charles, iha. Isipin na lang siguro natin ang kapak
BARBARA POV Sa muling pagmulat ng aking mga mata, unang sumalubong sa paningin ko ang tirik na tirik na liwanag ng araw mula sa labas nitong kwarto kung saan ako naroroon. Dahan-dahan akong bumangon pero muli ding napahiga nang maramdaman ko kung gaano kasakit ng buo kong katawan. Hindi ko mara
BARBARA POV “As usual, late na naman si Charles.” kaagad na wika ni Ate Veronica. Nang mapansin nito ang pagdating namin, mabilis itong tumayo. Walang pag-alinlangan na nakipag beso sa akin at sumunod naman dito ang iba pang mga kababaihan. Nandito din sila Ate Ella, Ate Charlotte, Ate Jeann, A
BARBARA POV Naging maayos ang lahat sa amin ni Charles sa paglipas ng mga araw. Kahit papaano, ipinapakita at ipinaparamdam naman nito sa akin ang pag-aalaga ng kagaya yata sa isang tunay na asawa. Palagi itong nasa tabi ko at palagi din nitong chini-check ang kalagayan ko. Kumbaga, hindi ito nag







