BARBARA POV “As usual, late na naman si Charles.” kaagad na wika ni Ate Veronica. Nang mapansin nito ang pagdating namin, mabilis itong tumayo. Walang pag-alinlangan na nakipag beso sa akin at sumunod naman dito ang iba pang mga kababaihan. Nandito din sila Ate Ella, Ate Charlotte, Ate Jeann, Ate Jennifer, Ate Amery, Katrina at siyempre, present din ang mga asawa ng mga ito na noon ay isa-isa nang nilapitan ni Charles para makipagkamay. “Welcome to Villarama Clan, Barbara. Tonight is the night. Let’s enjoy!” nakangiting wika ni Charlotte sabay abot sa akin ng isang wine na nasa kopita. Napasulyap pa ako kay Charles bago ko tinangap iyun at nang tumango ito, hindi ko na mapigilan ang mapangiti “Welcome, sister-in-law.” “Welcome cous!” sabay-sabay ko pang narinig mula sa kanilang lahat. “Cheers!” Sabay-sabay naming itinaas ang kopita na may lamang alak at sabay-sabay din na tinungga iyun. Lahat nakangiti at masaya. Sa sobrang saya nga na nararamdaman ng puso ko, halos hind
Last Updated : 2025-11-18 Read more