BARBARA POV Nang mag-isa na lang ako, pinilit kong patulugin ang mga bata. Pinadede ko sila at ilang saglit lang, tahimik na din naman silang nakatulog Mabuti na lang talaga at nakisama ang iyakin kong anak na si Chase eh. Si Carson naman, napakabait na bata. Umiiyak lang kapag gutom Nang masiguro kong nakatulog na ang mga anak ko, tsaka pa lang ako nagpalit ng damit pambahay. Hihintayin ko si Mona at ako naman ang gagamit ng banyo,. Naging maayos naman ang sumunod na sandali. Pagdating nga ni Mona, tsaka ako nagpasyang maglinis ng katawan. Pagkatapos noon, sabay na din kaming kumain. Tahimik pa rin si Tatay. Alam kong maraming tanong ang naglalaro sa isipan ni Nanay pero nang mapansin siguro na pagod ako, nagpasyang manahimik na lang. Pagkatapos kumain, inasikaso ko muna ang mga gamit ng mga bata. Inayos ko sa pagkakatupi bago ako nagpasyang mahiga sa tabi ng mga ito. Sa totoo lang, pagod din ako. Si Mona naman ay nakatulog na. katabi nito si Jackie sa ibaba ng papag. Nag
Last Updated : 2025-11-14 Read more