BARBARA POV Muli akong nagising, umaga na. Nang imulat ko ang aking mga mata, ganoon na lang ang matindi kong pagkagulat dahil nasa bisig na ako ni Charles. Yes, hindi ako maaring magkamali, yakap-yakap na ako ni Charles na noon ay mahimbing nang natutulog. Ang unan na inilagay ko sa pagitan naming dalawa ay nawalan yata ng saysay at hindi ko na alam kung nasaan na iyun. Gusto kong itulak si Charles. Gusto kong bumangon kaya lang nag-aalala naman akong baka magising ito. Halatang mahimbing pa itong natutulog kaya lang, naisip ko din na hindi naman pwedeng habambuhay ako nitong yakap-yakap diba? Mahina akong napabuntong hininga. Buong ingat kong tinatangal ang braso nito na nakapulupot sa aking baiwang kaya lang, masyadong mabigat iyun. Hangang sa narinig ko ang mahinang pag-ungol nito palatandaan na magigising na din yata. “Ahmm, Barbara..saglit lang naman. Maaga pa. Matulog pa tayo.” Paos ang boses na bigkas nito. Nang muli kong titigan ito, nakapikit pa rin ang dalawa nito
Last Updated : 2025-11-07 Read more