CASSANDRA “CASSY” VIILLARAMA “HAYSST, ang bigat mo!” angal ko habang maayos kong ipinapasok sa loob ng kotse ang isang istrangherong lalaki na nasipa ko sa bayag kanina. Wala eh, kahit naman hindi kaaya-aya ang nangyari sa akin ngayung gabi, tao pa rin naman ako. May konsensya, damdamin at higit sa lahat, pinalaki ako ng Daddy at Mommy ko na maging isang mabuting nilalang dito sa ibabaw ng lupa. Nasipa ko sa bayag, nahimatay at kung pabayaan ko ito sa gitna ng ulanan, baka kung ano ang mangyari. Baka malaman ko na lang kinabukasan na pinaglamayan na ito “Mahinang nilalang. Hindi mo man lang naiwasan ang isang sipa ko? Talagang sinalo mong gago ka kaya ang ending, naabala mo ako ngayun. Haysst, hayaan na nga. Siguro naman, plus one ako sa langit dahil kahit na nagtalo tayo kanina, tutulungan pa rin naman kita.” Muli kong sambit. Nang masiguro kong maayos na itong nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan, pumuwesto na ako sa harap ng manibela at nagdrive na ako pauwi ng bahay.
Huling Na-update : 2025-11-26 Magbasa pa