CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA POV “Wow, Cassandra Villarama, para sa akin lahat ito?” namimilog ang mga matang tanong sa akin ng kaibigan kong si Amy. Hindi na talaga ito nakontento na tawagin ako sa pangalan kong ‘Cassy’. Hindi daw ako si Cassy, ako daw si Cassandra Villarama kaya dapat lang daw na i-address ako nito sa tunay kong pangalan Kaya lang, gusto din nitong isama pati apelyedo ko eh. Naiilang tuloy ako lalo na at ang ilan sa mga shoppers ay napapatingin sa amin. “Amy, pwede bang Cassy na lang? Hindi mo na kailangan bangitin ang apelyedo ko. Baka mamaya, may masamang loob diyan at kapag marinig nilang tunog mayaman ang apelyedo ko, ma-kidnap pa tayong dalawa. Paano na ang mga pinang-shopping nating iyan?” nakangiting wika ko dito “Ha? Ah, ganoon ba iyun? Sorry, my mistakes. Nakaka – overwhelmed kasi na ang anak ng isang bilyonaryo ay bestfriend ko pala.” Nakangiting sagot nito sa akin “Susss, may nalalaman ka pang ganiyan eh. Sige na, dagdagan mo pa iyang mga napili
Last Updated : 2025-12-07 Read more