SANTILLAN RESIDENCE “Nasaan si Jillian?! Ano ang ginagawa ng mga inutil na mga gwardiya?! Bakit hindi man lang nila napansin ang biglaang pag-alis niya?!” Halos maghisterikal na si Arabella sa gitna ng sala. Nanginginig ang boses niya, at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mata, isang takot na hindi kayang itago. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad, hindi mapakali. Ang akala nila, nasa loob lang ng kwarto si Jillian, nagmumukmok, umiiyak, nagpapalipas ng sama ng loob dahil sa matinding kumprontasyon na naganap kahapon. Hindi naman nila inaasahan na muli itong maglalayas. Kung hindi pa nila ito kinatok para kumain ng lunch, hindi pa nila malalaman na wala pala ito sa sariling kwarto. Kung saan man ito nagpunta, hindi nila alam. Kahit ang dalawang gwardiya na nakabantay sa harap ng gate, wala ding idea kung nasaan si Jillian “Hindi po namin napansin, Ma’am…” nanginginig pa ngang sagot ng isa sa mga gwardiya, halatang kinakabahan. “Wala po kaming nakita na lumaba
Read more