CASSANDRA ‘CASSY’ VILLARAMA POV TAHIMIK kaming nakauwi ng mansion ni Neilson. Pagdating namin, tulog na si Lolo Marco kaya naman nagpasya na din akong dumirecho sa aking silid para makapagpahinga na din Kaya lang habang naglalakad ako papasok ng mansion, tahimik namang nakasunod si Neilson sa akin. Bago kami nakarating ng hagdan, tinawag nito ang pangalan ko kaya naman napahinto na ako sa paghakbang at hinarap ito “Cassandra? “Yes?” nakataas kilay kong sagot dito “Good night.” Wika nito at pagkatapos noon, nilagpasan ako. Kaagad na naningkit ang mga mata ko sa inis Ang lakas ng tama. Gusto lang palang maunang pumanhik ng hagdan, dinaan pa sa patawag-tawag sa pangalan ko. Pinalagpas ko na lang iyun. Walang choice kundi intindihin ang kakaibang ugali nitong si Neilson. Alangan namang pansinin ko pa ang napakaliit ng bagay na iyun. Magmumukha lang akong childish. Pagdating namin ng second floor, doon ko lang din napagtanto na magkatabi lang pala halos ang silid namin nito
Huling Na-update : 2025-12-12 Magbasa pa