JACQUELINE POV “A-anong sabi mo?” halos pabulong ang tanong ko, kasabay ng panunuyo ng lalamunan ko. Habang nakatitig ako sa seryosong mga mata ni Russell, mas lalo kong naramdaman ang kakaibang kaba. May bigat ang mga titig niya, may dalang kwentong matagal nang kinikimkim. “She’s here.” mahina ngunit malinaw ang boses niya. “Ang babaeng mahal ko… isa siya sa mga bisita ng kasal na ito.” Para akong napako sa kinatatayuan ko. “…at hanggang ngayon, nasasaktan pa rin akong isipin na kahit anong gawin ko, hindi na siya magiging akin.” Sandali siyang napahinto, saka napapikit. “At kahit anong gawin ko… alam kong hindi niya ako kayang mahalin.” Sa pagkakataong iyon, hindi ko na lang basta narinig, nararamdaman ko na ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ako agad nakaimik. Sa halip, mas pinili kong makinig. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong marinig ang buong kwento niya… kahit na alam ko kung gaano iyun kakumplekado. “Kahit anong gawin ko, ala
اقرأ المزيد