RUSSELL POV “Wala na bang ibang bar?” seryoso kong tanong. Kaya naman pala pumayag ang mga magulang ko na lumabas ako ngayong gabi kahti kakagaling ko lang ng kulungan, dito rin pala ako babagsak. Sa bar na pag-aari namin. Negosyo ito ng ama kong si Drake Davis simula noong binata pa ito, at hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin. Isa itong high-end bar, at ang mga parokyano ay pawang kilala sa lipunan. “Bro, mas hamak na mas maganda dito kaysa sa ibang bar. Tsaka, maraming magaganda at desenteng babae rito. Sa anim na buwan mo sa piitan, sigurado akong tigang na tigang ka na,” pabulong ngunit nakangising sabi ni Kent. “Tsk. Hindi ako interesado. At hindi ako kagaya mo na hayok sa babae, kaya tumigil ka na,” yamot kong sagot Wala akong gana pagdating sa babae! Lalo na at ang puso ko lang ay pag-aari ng ng isang babaeng kahit na kailan, alam kong malabo nang maging akin. Si JILLIAN Malakas siyang tumawa. “Well, let’s see. Noon pa man, kilala na kita mula ulo hanggang p
اقرأ المزيد