JACQUELINE POV Kaagad din naman akong tumalima. Pagharap ko sa salamin, sandali akong natigilan. Para bang ibang tao ang nakikita ko, mas elegante, mas… confident. Lumapit si Russell sa likod ko at tumingin din sa salamin. "See? Perfect." Hindi ko alam kung anong isasagot ko, kaya tumawa na lang ako ng mahina. "Maganda siya, kaya lang, mahal yata ito." sagot ko din kahit na hindi ako sigurado kung magkano ba talaga ang jacket na ito. Hindi ko alam kung paano mag convert ng pera ng Japan eh. "Kaya natin itong bayaran. Kung gusto mo, dagdagan mo pa." nakangiting sagot naman niya sa akin "Naku, huwag na...sayang naman kung bibili pa tapos pag-uwi natin ng Pinas, hindi ko naman magagamit eh." sagot ko din kaagad "I think, mas okay kung bumili pa tayo. Sa mga susunod na araw, baka mas lalo pang bumaba ang temperature at maganda na iyung ready ka." nakangiting wika niya At dahil ayaw talagang paawat ni Russell, wala na akong nagawa pa kundi ang hayaan siya sa gusto niya
اقرأ المزيد