Alone with Jupiter Jela Imbes na sa locker room niya ako dalhin para makuha ko na ang gamit ko, ay sa ibang direksyon niya ako dinala. "Saan mo ako dadalhin?" tanong ko. "Saglit lang, I just want you to unwind for a while," sagot nito. "My kids are my refuge in any kind of situation like this. I don't want to unwind alone dahil mas mababaliw lang ako!" sagot ko naman. "You're not alone. I'm here with you! Huwag mo naman akong gawing multo, Jelang. Nakakatakot ka naman!" Mahina akong natawa. Honestly, isa siya sa masasabi kong kanlungan ko sa lahat ng problemang dumarating sa buhay ko ngayon. "Now you're smiling. Gumanda ka ulit ng kunti lang. Slide, gano'n?" tawa nito. "Slide? So parang nadulas na ganda lang pala meron ako?" biro ko. Humalakhak naman ito. "Slight sana iyon. Panirang English yan!" tawa pa nito. "Pakitang gilas ka na naman kasi!" ingos ko. "Para magmukha akong sosyal sa paningin mo! Anong silbi ng kagwapuhan ko kung Tagalog lang ang salita ko?
I Feel Numb Jela "Pasalamat po ang anak niyo, iyon lang ang ginawa ko kumpara sa ginawa niya sa akin. Isang beses lang ako gaganti, pero sulit at ramdam ang sakit!" sambit ko. "Napakawalang hiya mo talagang bata ka! Tama lang na itrato ka ng ganyan ng sarili mong ina. You are really a disgrace to the family," galit na sambit nito. "Doesn't matter to me anymore what you guys are saying. I'm done with you all, and I'm happy with my life now. So stop embarrassing yourself here. Wala kang mapapala sa akin po. Napuno na ako at hindi ko na maramdaman pa ang panghahamak niyo sa pagkatao ko!" sagot ko na parang wala lang. Pero deep inside, masakit na masakit ang sinabi nito. Lalo na ang tawagin niya akong bastarda. Para saan ang pagtawag niya sa akin ng ganun, ngayo'y alam naman niyang legal akong anak ni Daddy at kasal sila ni Mommy. Tanga ba siya? O, ginagawa lang niya ito para makaganti sa ginawa ko sa anak niya? Siya ang nauna, hindi ako. Gumanti lang rin ako sa pananakit nila
Surprise Flowers Jela Busy ako ngayong hapon. Nandito ako sa loob ng storage room, nagplaplantsa ng mga bagong damit na idi-display sa labas. May kumatok sa pinto, pero hindi ko pinansin dahil gusto ko ay matapos na agad ang mga damit na maplantsa. Napalingon ako nang bumukas ang pinto. Ang katrabaho ko, may hawak na bulaklak. Hindi ko siya pinansin. "Uy Jela, oh, para sa'yo. Pinamimigay ng delivery boy," sabay abot sa akin. Pero hindi ko inabot dahil nagplaplantsa ako. "Sinong delivery boy?" tanong ko. "Yung delivery boy ng flower shop. Delivery boy naman ang tawag sa nagbibigay ng ganito sa mismong trabaho, di ba?" nguso nito. Bagong katrabaho ko ito dito. Sana 'wag ito mahawaan ng chismosa, chismoso, at chismose. "Nagtatanong lang naman ako," sabay tawa ko. "Ilapag mo na lang diyan sa may table. Salamat," sabi ko. "Ate, totoo ba 'yung chismis..." "Mas maganda kung hindi ka nakiki-chismis sa mga katrabaho natin. Mag-usap lang tungkol sa work, hindi ka dapat
Chapter 27 Happily Eating Together Jela "Dahan-dahan naman," reklamo ko kay Jupiter habang pinapahiran ng ointment ang mga kalmot ko sa leeg, pisngi, at mga braso. "Tiis lang muna, Jelang, ginusto mo 'to eh," sermon niya sa akin. "Hindi ko ito ginusto. Umiwas ako dahil ayoko ng gulo. Pero bigla na lang nila hinila ang buhok ko. Tapos pinagtulungan nila ako. Hindi ako ang nauna," inis kong paliwanag. "Behave ka, Mama, no talking po, para maayos na gamutin ni Tito ang sugat mo," suway ni Jan sa akin. "Bilis na po, Tito, gugutom na ako, naghabol-habulan na po ang bituka ko sa loob. Galit na sila, rinig niyo po tunog ng tiyan ko? Grrrrrr... growwwwl," may sound effect pa. "Yung tiyan ko po jumping-jumping lang po. Excited na kumain," singit naman ni Jam. Natawa kami ni Jupiter. "Just wait a minute, guys. Hindi puedeng madaliin ni Tito ang paggamot sa sugat ni Mama, nasasaktan siya. Kakain tayo ng marami mamaya para hindi mahimatay sa gutom ang mga tiyan natin," sabi na
Squabble Jela "Paano ka nakapasok sa loob ng bahay ko?" ulit kong tanong. "Madali lang buksan ang lock ng pintuan ng bahay mo. At isa pa, nagpaalam ako kay Aling Rosing. Hindi ako nakita ng mga bata dahil nakatulog raw sila. Ayos na ba ang paliwanag ng gwapong ito?" sabay haplos pa sa baba nito at ngisi. "Akyat-bahay na naman ba ang sideline mo ngayon? Umamin ka, lalaki!" malakas kong tanong. "Ikaw talagang babae, eskandalosa. Marunong lang ako magbukas ng pintuan na naka-lock. Natutunan ko 'yan dati noong na-lock ang kapatid ko sa kwarto. Chill, okay," natatawa nitong paliwanag. "Siguraduhin mo lang. Ipapapulis na talaga kita!" sikmat ko. "Huwag naman. Wala nang dadalaw sa inyo na gwapong katulad ko," "Bwesit ka! Hindi ka ba nagsasawa kakapuri sa sarili mo? Rinding-rindi na ako sa iyo," naiinis kong sabi. "Kalma, Jelang ko, gutom lang 'yan. Oh, pasok na sa bahay, ako na ang susundo sa mga bata," presinta pa niya. "Huwag na, ako na," angil ko. "May rabies ka na y
Chapter 25 Jela Mabilis akong nagtungo sa locker room. Agad kinuha ang bag ko at umalis sa mall. Habang nagmamadaling umuwi, hindi ko napansin ang isang lalaki na may inabot sa akin na pumpon ng bulaklak. Napakaganda at ang dami. "My God!" malakas kong bulalas. "Thank you!" pahabol ko pa. Nagtaka ako at sinundan ang lalaking papalayo habang hawak-hawak ko ang isang pumpon ng bulaklak. Akmang maglalakad ulit ako nang may nag-abot ulit sa akin ng red roses. "Mukhang malungkot ka. Take this, you deserve it," hindi ko inabot ngunit nilagay niya ito sa ibabaw ng hawak kong pumpon ng bulaklak. "Halata ba sa mukha ko?" tanong ko sa sarili ko. "Yes! For you," isang mas malaking pumpon ng bulaklak ang nasa harapan ko na naman. Mix roses iyon at ang ganda. It's my favorite flower. Na-touch ako kahit hindi maganda ang nangyari sa loob ng mall kanina. 'Yung kasabihan na kapag may pangit na nangyari sa buhay mo may kapalit namang maganda.' At ito iyon. Nawala ang sakit ng dibdib