Share

CHAPTER 7

Author: Megan Jurado
last update Last Updated: 2025-02-05 15:51:17

“Sabihin mo, ano ang problema mo? Bakit namumugto mga mata mo? May nang away ba sayo? Sabihin mo kay kuya.” saad ni Jake.

‘BUkod sayo, walang nanakit sakin. Ikaw at ikaw lamang ang taong dahilan kung bakit ako umiiyak, araw-araw, gabi-gabi.’ Gusto itong sabihin ni Xoe sa kanya, ngunit pinili na lamang niyang manahimik.

“Wala. Napuwing lang ako kanina.” Sagot ni Xoe.

“Isa pa… Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. Kung may mananakit man sa akin sa hinaharap, alam ko ang gagawin ko.” Dagdag ni Xoe.

Tila naman di naintindihan ni Jake ang sinasabi ni Xoe.

“Kahit pa. Babae ka parin at hindi kita pwedeng pabayaan. At sa ngayon, wala pang lalaking magliligtas sayo. Kaya habang wala pa an”

“Alam mo… Ang mas asikasuhin mo ay si Kendra at hindi ako. Siya ang pagtuunan mo ng pansin. Siya ang mas nangangailangan ng tulong at kalinga mo.” Pilit na tinutulak ni Xoe si Jake paalis nang hindi na siya tanungin pa ng tanungin. Ngunit tila batong hindi natitinag si Jake at hindi mapagalaw ni Xoe sa kinatatayuan.

“Maalis mo lang ang pag-aalala ko kung mag-aasawa ka ng lalaking kaya kang protektahan.”

‘Ikaw lang ang gusto kong asawa.’ Gusto ni XOe na ipagsigawan sa kanya. Ngunit sa ngayon ay alam niyang pansamantala lamang ang pagiging asawa niya kay Jake at walang iba.

“Hindi ko kailangan ng makakasama.” Sagot ni Xoe.

Napabuntong hininga si Jake sa sagot ni Xoe. “Hindi sa lahat ng panahon andito ako para sayo.” Biglang sumeryoso ang mukha ni Jake.

“Problema ko na yun kung meron man o walang mag-aalaga sakin.” Hindi makapaniwalang tinginan ni Jake si Xoe.

“Nagbabalak ka bang maging single habang buhay? Natatakot ka bang gigisahin ko sa sariling mantika ang magiging nobyo mo o asawa sa hinaharap?”

Nagtaas lang ng kilay si Xoe. “Ang dami mong sinasabi. Alis na…” Pagtutulak niya ulit kay Jake nang tuluyan itong umalis.

Sa ngayon mas pinipili ni Xoe na hindi sabihin sa asawa ang kanyang pagbubuntis at aalagaan niya muna ito ng siya lamang.

Napakamot na lamang sa ulo si Jake at sinunod na lamang ang sinabi ni Xoe. Lalo pa at naalala niya ang kalagayan ni Kendra.

“Bakit di man lang niya naramdaman ang pagmamahal mo sa kanya? Ganun ba si Sir kamanhid, Dokotra? ANo ba ang mayroon sa babaeng iyon? Sa pagkakaalam ko, sumikat lamang na artista iyon dahil sa nakapag asawa iyon ng isang Direktor sa Hollywood. Pero maraming nakapagsabi na saglit lang daw ang kasikatan niya dahil sa pag uugali.” Tanong ni Yassie na nasa likuran na pala ni Xoe.

“Hindi siya ang lalaking nararapat sayo, Dok. Mas maiging humanap ka nalang ng lalaking mamahalin ka ng buong-buo.” Payo ni Yassi na ikinangiti ng mapait ni Xoe.

“Sobra niya lang mahal ang una niyang naging nobya. Kaya ang lagi niya lamang nakikita sa babaeng iyon ay puro magaganda. At nagbubulagbulagan siya sa mga bagay na noo’y nagpasakit sa kanya.” Paliwanag ni Xoe.

“At ako, mahal ko siya… noong una pa. Katulad niya… Di ko din kayang iwan ang taong mahal ko, kahit ang sakit sakit na.” Dagdag niya.

Ang mga salitang iyon ay tila ba tumusok direkta sa kanyang puso. HIndi makapaniwala si Xoe na siya pa mismo ang nagbitiw ng mga salitang iyon.

‘Martir na ba kung ako’y tawagin? O masukista… Iyong mga taong kahit nasasaktan, kumakapit parin.’

“Di bale, Dok… Hahanapan kita ng lalaking mas guwapo… Mas mayaman… Mas may paninindigan at kayang-kaya kanag mahalin ng walang pag-aalinlangan.” Saad ni Yassie, na ikinatawa ni Xoe.

“Good luck sa mahahanap mo.” Naiiling na lamang siya at umalis na rin, upang magtungo sa kanyang opisina.

***

Natapos ang kanyang trabaho, ay napagdesisyunan ni Xoe na magtungo sa ward kung saan nagpapahinga si Kendra. Nais niya sanang tingnang ang kalagayan ng babae bago pa siya umuwi. Ngunit nang makarating siya sa kwarto nito, ay nakita niya ang kanyang asawang si Jake, mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga na walang nakatusok. Panandalian siyang nanigas sa kinatatayuan at tila ba may kung anong bumara sa kanyang lalamunan, nang makita niya kung gaano ito kumapit sa kamay ng ibang babae habang ito ay hirap na hirap matulog habang nakaupo sa isang silyang walang sandalan. 

Huminga ng malalim si Xoe at tumingin sa kisami habang pinipilit na pigilan ang nagbabadyang luha na sana ay tutulo mula sa namumula niyang mga mata. Saka niya napagdesisyonang isara muli ng dahan-dahan ang pintuan at tuluyang iniwan ang kwartong iyon.

Ang bahay ng mag-asawang Xoe at Jake at ilang kanto lamang ang layo mula sa ospital na pinagtatrabahuan nito. Kaya napagdesisyunan niyang maglakad upang makapag isip-isip kung ipagpapatuloy ba niya ang bata sa kanyang sinapupunan o hindi.

‘Hindi ko inaasahan ang batang ito.’ Sabi niya sa sarili.

Habang naglalakad, naalala niya ang nangyari kung bakit nabuo ang isang sanggol sa kanyang tyan, apat na buwan ang nakalipas…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 28

    Nakaigting ang pangang mariin ang mga titig ni Jake kay Xoe na tila ba napapaso na si Xoe sa masakit na titig nito. Gayunpaman, hindi ito nagsalita at agad na binuhat ang asawa papalabas ng mall upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi alintana sa lalaki ang mga titig ng mga tao na kanilang nadaraanan at nakakasalubong.“Ibaba mo ako. Kailangan kong bumalik sa loob. Kailangan ko pang tulungan ang sales clerk sa paglilinis ng suka ko.” Sinusubukan ni Xoe na magpumiglas mula sa pagkakakarga sa kanya ni Jake.“Mahuhulog ka huwag ka nang gumalaw.” sagot nito.Nang makarating sila sa labas, ay agad siyang binaba ng lalaki.“Ilang buwan na iyan? Kaya ba gustong gusto mo nang mapawalang bisa ang kasal natin dahil dyan sa lalaking nakabuntis sayo? Sino ba iyan? Doktor? KAsama mo sa trabaho? Sino? Sagutin mo ako!” Hindi mapigilan ni Jake ang magtaas ng boses sa taas na kanyang emosyon na nararamdaman. Inis, pagkadismaya at galit. “Ano bang pinagsasabi mo?” Pagtatanggi ni Xoe.“Nahihilo ka,

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 27

    Dumating sila sa mall na nakabusangot ang mukha ni Xoe. Habang patungo sila sa loob ng department store, nadaanan nila ang mga bilihan ng mga gamit ng mga pambata at mga pambuntis. Agad na napukaw ang atensyon ni Xoe sa isang manekin na may suot na damit ng pangbuntis. Bagamat nasa pangbuntis na mga paninda ito nakalagay, tila hindi mahahalata sa isang buntis na ina ang mag susuot nito. Isa itong maluwag na maternity dress na iyon at iniisip na ni Xoe na tipong kakailanganin niya itong damit sa mga darating na araw.Napansin naman ni Dustin ang paghinto ni Xoe sa isang manekin na nakasuot ng damit.“Bakit ka napahinto? Gusto mo na bang bilhin yan? Balak mo ba agad na magpabuntis sa boyfriend mo?” Nagtaas ng kilay si Xoe ng mapansin ang pagkasarkastikong saad ni Jake.“Napatingin lang ako. Masama ba? Tyaka mukha naman siyang hindi halatang pangbuntis. Sa katulad kong pusunin at malusog ng bahagya, bagay sa akin ang ganitong damit.” Pagtatanggol nito sa sarili.“Mataba ka na sa lagay na

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 26

    Magkatapat silang nakaupo sa isang lamesa, ngunit ni isa sa kanila ay walang may gustong magsalita. Inorderan ng sopas ni Jake si Xoe, upang mainitan ang sikmura nito. Ngunit, ni isa sa kanila ang walang may gustong gumalaw ng pagkain. Parehong mga walang gana.Tulalang hinahalo halo lamang ni Xoe ang sopas. At kahit walang gana itong kumain dahil sa bigat na nararamdaman… Ay kailangan niyang kumain kahit kaunti. ‘May anak akong umaasa sa tiyan ko. Hindi ako pwedeng magutuman.’ PAalala ni Xoe sa sarili.‘Kailangan na naming bumalik sa munisipyo.’ Nagtaas ng kamay si Xoe upang magtawag ng waiter para hingiin ang bill ng kanilang kinain. Lumapit naman ang isang waiter at binigay sa kanila ang kanilang bill na babayaran.“Hindi ka pa nga kumakain. Ni hindi mo nagalaw iyang sopas.” Saad ni Jake.“Nawalan na ako ng gana.” Sagot ni Xoe.“Ubusin mo iyan.” Utos ni Jake at agad na kinuha mula sa kamay ni Xoe ang bill, pagkatapos ay dinukot niya mula sa kanyang pitaka ang kanyang card para sa

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 25

    “Sa ayaw at sa gusto mo… Asawa pa rin kita. At ikaw lang ang asawa ko. Kaya may karapatan kang umupo sa tabi ko.”“...”Napaawang ang bibig ni Xoe at di makapaniwalang tumingin kay Jake na hindi na maipinta ang mukha.‘Bakit ka ba ganito? Ginugulo mo ang utak ko.’ Gustong sabihin ni Xoe iyon pero minabuti na lamang niyang manahimik.“Bakit ba kahit masama na ang pakiramdam mo, ay gusto mo pang unahin ang pag aasikaso ng annulment papers natin. Ganyan ka ba ka atat na humiwalay sakin?” Hindi makapaniwalang tiningnan ni Xoe si Jake sa sinabi nito. “Siguro may lalaki nang naghihintay sayo at hinihintay lamang ang pagpapawalang bisa ng kasal natin.“Wow!” Sarkastiko itong natawa. “Ako pa talaga? Sa pagkakaalala ko ikaw itong gusto nang makipaghiwalay matapos bumalik dito ng Kendra mo. Gusto ko lang naman tulungan kang maging malaya sa akin.” Sagot ni Xoe.“Ikaw nga itong nagmamadali tapos nagdesisyon ka na agad na umalis ng bansa. At ikaw ang unang mang iiwan. Baka ikaw itong nagmamadali.

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 24

    Pagkapasok nila, ay hindi inaasahan ni Xoe at Jake na maraming pupunta ng munsipyo. Ngunit lahat ng mga iyon ay nakapila sa mga magpaparehistro ng kasal. Ngunit kung gaano man kagulo at kaingay ang linya ng mga ikakasal, siya namang tahimik at tila nilalangaw na pwesto ng mga nagpapasa ng aplikasyon para sa annulment.“Mabuti at walang pila dito. Mabilis tayong matatapos.” Saad ni Xoe.Patuloy niyang hinila si Jake patungo sa pila ng mga nag-aaplay ng annulment. Umupo si Xoe sa upuan kaharap ng isang tagapagtala at inilabas ang mga papeles na kanyang inihanda sa para sa pagproseso ng kanilang annulment.“Mukhang naligaw ata kayo ng pila… Doon ang pila ng magpapakasal.” Saad ng isang aleng tagapagtala.“Ay naku hindi po kami magpapakasal. Andito po kami para ipagwalang bisa ang aming kasal.” Sagot ni Xoe na ikinaawang ng bibig ng babaeng kanyang kaharap.“Sigurado ka? At ngayong araw pa na ito?” tanong nito.“Opo. Bakit ano pong meron?” Naguguluhang tanong ni Xoe.“Hindi mo alam? Araw n

  • The Billionaire's Martyr Wife   CHAPTER 23

    Matapos niyang tawagan ng ilang beses si Xoe ay sinagot na din ito agad ng babae. Sinabi niya ang lokasyon kung saan siya naroon bago pinatay ang tawag.Huminto si Jake sa harap ng hotel na tinutuluyan ni Xoe.Nasa labas naman ng lobby si Xoe, nakatayong naghihintay kay Jake. MAy hawak itong brown na envelop na naglalaman ng kanilang mga papeles. Agad siyang umayos ng tayo nang mapansin ang paglabas ni Jake sa kotse. Nakakunot ang noo ng lalaki na tila ba pinagsakluban ng lupa ang mukha.“Bakit umalis ka kagabi? Maayos na ba ang pakiramdam mo? May bahay ka naman bakit dito ka pa natulog?” Sunod sunod na tanong ni Jake kay Xoe.Nagtaas ng isang kilay si Xoe. “Bahay? Ako? Sa pagkakaalam ko pamamahay mo iyon.” Sarkastikong ngumiti si XOe. “Isa pa… HIndi ako komportable sa higaan ko masyadong makati ang kutson na hinihigaan ko. Daming surot.” Sagot ni Xoe.“Ang bahay ko, ay bahay mo.” Sagot ni Jake ngunit umiling na lamang si Xoe.Imbes na magsalita ay dumerecho na lamang ito sa kotse. Aga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status